sender 10

145 7 1
                                    

Miss Reyna ng Katanungan paano po ba pumatay ng tao na hindi ka makukulong? juk lang po.Paano ko po sasabihin sa kinagagalitan ko na Bwisit ka mamatay ka na in a nice way na hindi sya magagalit sa akin. kasi po nakakaimbyerna na sya. kasi po mangaagaw po sya ng Bespren. XD. ang babaw ko po pero masakit na hindi ka na pinapansin ng bespren mo dahil lang po sa isang epal na kutong lupang katulad nya.

--

Dear Quiochii_Tuan,

sa comment kita napansin sa isang sender na pinost ko. pinost ko to dahil ewan ko ba natawa ako bigla.hahahaha

1.Paano pumatay ng tao na hindi ka makukulong?

-Patayin mo siya sa isipan mo.

2.Paano mo sasabihin sakanya na bwisit ka mamatay ka na in a nice way?

-simple lang iyan "Hoy! Sikatan ka pa sana ng araw bukas!" 

Sinisiraan ka ng kutong lupang sinasabi mo sa bespren mo. Hayaan mo karma na ang bahala sa kanya at sana gabayan siya sa tamang landas na tatahakin niya.

Paki sabi sakanya paturo ako ng "how to steal a bestfriend".

Nagmamahal,

Miss Reyna katanungan

Confessions and True StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon