INA

0 0 0
                                    


INA, tatlong letra ngunit ano nga ba ang ibig-sabihin?
Marahil tinatanong nyo kung ano ba ang nais kong iparating.
Simple lang ang aking hiling
Kahit minsan lang, kahit ngayon lang, pasalamatan natin ang ating inang nag bigay buhay sa atin.

Ina,mama,nanay,mommy
ang tawag dito ng marami.
Buhay nati'y iningatan
ngunit ito ba'y iyong pinahalagahan?

Kanyang mga sermon at habilin
huwag sana nating masamain.
dahil balang araw
atin itong gagamitin.

Aking ina, ikaw ang aking unang tahanan.
Sa bisig mo natagpuan
ang pinakaligtas na lugar sa mundo
Sa oras ng panghihina ko, yakap mo ang tanging nais ko.

Bawat sakripisyong ginagawa mo,
bawat baon na binibigay mo
Balang araw ibabalik ko sa'yo

Ma, ikaw naman sa susunod
Babawi ako sa mga sakripisyo mo
Pag tagumpay ko'y iyong mapapanood
Bawat daang tatahakin ko'y alay ko sayo.

My PoemsWhere stories live. Discover now