Ikaw at Ako

1 1 0
                                    


May isang kwento,
Noon daw ay may ikaw at ako.
Masayang nagtatawanan at nag bibiruan.
Nag lalaro ng bahay-bahayan at nag aaway pa nga sa laruan.

Kay sayang isipin ng mga nagdaan.
Kay sarap alalahanin ng ating mga kwentuhan.
Gusto kong maulit, gusto kong balikan
Naalala ko nga pala na wala na tayong tahanan.

Sayo ako'y nangungulila
Nagbabakasakali na baka sana..
Bumalik ka, bumalik ang dating pagsasama.
Bumalik ang tayo na walang pakialam sa sinasabi nila.

Sana maalala mo
Na minsan ay mayroong ikaw at ako.
Naghihintay parin ako sa pagbalik mo.
Sana pag pwede na, mabalik ang dating ikaw at ako.

My PoemsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt