Ikaw Palagi

1 1 0
                                    

Ikaw Palagi

Bawat araw na dumaan
Bawat oras na pumatak
Ikaw ang nasa isip
Ang iyong mga ngiti't mga halakhak.

Ikaw lang ang gusto minu-minuto.
Hindi pa pwede, bawal pa tayo.
Pero tandaan mo ito;
Mahal kita kahit walang tayo.

Pilit ka mang alisin sa isipan,
Hindi ka matanggal..ikaw lang ang laman.
Hindi masabi ang nararamdaman
natatakot na baka puso nati'y mag kaiba ang nilalaman.
Ikaw palagi, ilang ulit mo man akong saktan.

My PoemsWhere stories live. Discover now