29: Not a Happy Heart

678 46 22
                                    

I did a major revision in this chapter. For those who already read this chapter, you can reread it. Thank you (⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)⁠❤

Keifer

"Hindi pa ako pwede magbigay ng sagot, e, 'tay. Bigyan niyo muna ako ng isang buong linggo para mapag-isipan ko kung uuwi na ba ako sa atin. Hindi ko naman po maaaring iwanan na lang ang tao na kumupkop sa akin noong panahon na wala akong mapuntahan," sagot ko kay tatay. Hindi ko intensiyon na makasakit ng damdamin ng iba lalo na kung papayag agad ako sa gusto ni tatay. Naging maingat naman ako sa naging sagot ko sa kaniya at hindi ko inaasahang makita ang lungkot sa kaniyang mga mata. Siguro ay nagulat siya sa naging sagot ko partikular na noong binitawan ko ang mga huling pangungusap. Siya kasi ang dahilan kung bakit ako umalis sa bahay. Bukod kay nanay na iniwan kami noon, si tatay rin ang nagpalayas sa akin.

Hindi pa rin ako handa sabihin sa kanila ang kung anong meron kami ni kuya Damian. Masaya akong nagkaayos na kaming pamilya ngayon at hindi ito ang tamang pagkakataon para ipaalam sa kanila ang relasiyon namin. Ayaw kong isipin nila na kaya ako nakatira sa apartment ni kuya Damain ay dahil may namamagitan sa amin. Hangga't maaari ay ililihim ko muna sa kanila kung ano ang meron kami. Darating din ang tamang pagkakataon upang ibalita sa kanila na si kuya Damian ang taong nagpapatibok ng puso ko, at hindi ngayon ang panahon na 'yon. Isa pa, hindi pa naman opis'yal ang relasiyon namin. Wala pa ngang label, e.

"Na-miss ko po kayong dalawa nang sobra," sabi ko na lang at agad na kinulong sa mga bisig ko sina nanay at tatay. "Tara na, 'nay, 'tay, hatid muna po namin kayo sa bahay. Siguro po ay ipagpapaliban na lang muna namin ni kuya Damian ang lakad— Nahinto ako nang magsalita si tatay.

"Sige na. Ituloy niyo na ang lakad niyo. Kaya na namin ng nanay mo ang magb'yahe pauwi," nakangiting sabi sa akin ni tatay.

"Sigurado ba kayo diyan 'tay?" tanong ko. Itinaas niya lang ang kamay na naka-like sign pa sa akin saka tumango-tango.

"Mag-ingat lang kayo sa b'yahe, 'nak. Enjoy kayo ni Damian," sabi naman ni nanay. Mas lalong bumigat ang puso ko nang magsalita siya. Parang may kung anong nagdidikta sa akin na isama na lang sila sa pupuntahan namin.

Tumayo na ako at saka lumingon kay kuya Damian na matiyang naghihintay sa akin sa lilim ng puno sa hindi kalayuan. Sumulyap ako saglit sa mga magulang ko at saka nagpasiyang lumapit kay kuya Damian. Agad ko siyang nginitian nang masilayan ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Hindi niya siguro inaasahan ang paglapit ko sa kaniya.

"Tuloy ba tayo kuya Damian?" tanong ko sa kaniya.

"Paano ang mga magulang mo? Iiwanan na lang ba natin sila rito? Parang hindi yata tama iyon , Keifer," sabi sa akin ni kuya Damian kaya nahinto ako. Natanaw ko rin ang papalapit na pampasaherong bus.

Humarap ako kay kuya Damian. Gusto kong isuhestiyon na isama sila tatay at nanay pero ayaw ko namang masira ang plano namin na kami lang dalawa ang lalabas ngayon. Pwede naman namin ipagpaliban ang date na ito pero kasi sayang din ang pagkakataon. Nandito na rin naman, e.

"Okay lang ba?" Tinitimbang ko pa ang ekspresiyon sa mukha niya. Nang marahan siyang tumango ay agad niya ring itinaas ang kamay.

"Isama nalang natin sila. Mas marami, mas masaya, saka pagkakataon niyo na ito upang mag-bonding na buong pamilya. Lubusin mo na," aniya.

Huminto ang bus sa gilid namin kaya agad kong hinarap sila tatay at nanay. Nilapitan ko sila at saka inilahad ang mga kamay ko upang alalayan silang makatayo.

"Sama na po kayo sa amin," sabi ko dahil kita ko ang pag-alangan sa mga mukha nila. "Maiiwan tayo ng bus. Tara na po. Minsan lang ito kaya pagbigyan niyo na po ako."

SEKYU (BL) Gentlemen Series #1Where stories live. Discover now