CHAPTER 11

5 1 0
                                    

"So,paano ba kayo naging magkaibigan?"tanong ni Jenny sa apat na magkakaibigan.

Nandito kami ngayon sa canteen ng school namin.Naglu-lunch kami ngayon at kompleto kaming lahat bilang magkakaibigan.

We treat each other as a friend dahil yun ang sabi nila na kapag palagi mo daw silang kasama sa lahat ng bagay ay maituturing mo na sila na kaibigan or totoong kaibigan to be specific.

But I don't think so, we treat them as a friend pero hindi namin alam ang background ng family nila at kung paano sila nagkakilala lalo na't hindi naman sila magkamag-anak.

"Ganito kasi yan baby Jenny." si Austin ang sumagot at humarap kay Jenny.

"Stop calling me like that Austin.Its gross."sabi ni Jenny at inirapan si Austin.

"Okay, ang arte mo naman tskk."si Austin.

"Ganito kasi yan...yung parents namin ay magkakaibigan.Tita Marta at Tito Jade na parents ni John,Tita Cali at Tito Dave na parents ni Cade my bro, and my parents are friends kaya naging friends na rin kami kasi palagi na kaming magkikita sa tuwing magkikita ang parents namin kasi palagi nila kaming isinasama."mahabang litanya ni Austin.

"And nagkasundo sila na same lang din kami ng school kapag mag-aaral kami, diba we seem like siblings.Dami nga nagsabi kung magkapatid ba kami..." he trailed off."siguro dahil mga gwapo kami." sabi pa niya at humalakhak sa huli.

"Yabang mo bro.Ayos na sana ang explanation mo kaso ang hangin mo masyado mukhang malala ka na." sabi pa ni Jenny at tinapik-tapik ang balikat ni Austin na animo'y matagal ng magtropa.

"Bakit di ba ako gwapo?" tanong niya kay Jenny at may papogi sign pa.

"Hindi" diretsong saad ni Jenny.

"Ouch, sakit non ha!" saad ni Austin at may pahawak pa sa dibdib.Kaya inirapan sya ni Jenny.

Natawa na lang kaming lahat na nanonood sa kanila.

"Eat your food Raven." napalingon ako kay Cade nang magsalita ito.

Katabi ko kasi sya ngayon, nasa kaliwa sya habang nasa kanan si Edric.Nasa harapan namin sina Jenny at Austin na magkatabi at sina Pia at John naman ay magkatabi rin.

"Hehe...sorry nakalimutan ko medyo nagfocus kasi ako sa explanation ni Austin."saad ko at kumagat ng malaki sa sandwich.

Sa sobrang laki ng kagat ko, nahirapan na tuloy akong nguyain.I'm sure nagmumukha na akong pufferfish sa sobrang laki ng pisngi ko.

Yan, masyado ka kasing matakaw!!

"Cute" he chuckled.

Seryoso akong ngumunguya hanggang sa narinig ko ang sinabi ni Cade.

"Anong shabi moh?" tanong ko sa kanya habang hindi pa rin nalulunok ang pagkain na nasa baba ko.

"I said, your look so cute now." he said and chuckled again.

What the?! Ano daw?

Dahil sa sinabi nya ay nabilaukan ako.

"Tubig, tubig please" pakiusap ko kaya agad naman akong inabutan ni Edric ng tubig.

"Here" he said.

Kaya agad ko itong tinanggap at ininom muntik ko pang maubos yun.

Nilingon ko si Cade na nakahawak sa tumbler nya pero kaagad niya itong inilagay ulit sa kanina kinalalagyan nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpected Love (Bet Series #1)Where stories live. Discover now