CHAPTER 2

11 0 0
                                    

Disclaimer:wrong grammar, spelling and typo...sorry guys

“Ma,pinapatawag ka ni ma'am sa school bukas.”sabi ko kay mama ng makauwi ako sa bahay galing sa eskwelahan

“bakit daw?"tanong ni mama sa akin.“siguro may nagawa ka na naman na kasalanan ano??”akusa pa niya sa akin.

“Aba'y hindi ko alam maderr...ikaw pinapatawag bakit ko naging kasalanan?”tanong ko rin sa kaniya.

“aba'y namimilosopo pa...sino ba ang nag-aaral ha?”inis na turan ni mama sabay  palo sa akin.

“aray ma...ang sakit mo naman mamalo ehh...kala mo ang laki mo ehh mas mataba naman ako sa iyo...kumain ka kasi pagkatapos magtrabho kung hindi naman ay bago ka magtrabaho.”sabi ko kay mama.

Ang payat kasi ni mama dahil sa kakatrabaho niya ng mabibigat na bagay tapos ako mataba dahil hindi kasi ako namimili ng pagkain kung ano ang nasa hapag kainan ay yun ang kinakain ko.Kaya hindi niya talaga kakayanin kung sasakyan ko siya.Nakahiga kasi siya ngayon habang sinasabihan ko.

“Nako..kung hindi ako magtatrabaho ay wala tayong makain niyan...tapos yung papa mo inom ng inom."

“itong katabaan ko ma pwede ko ng suntukin si papa o di kaya sasakyan hanggang hindi na makahinga.”biro ko kay mama dahil napaka seryoso na niya.

“nako yang katabaan mo...mahihirapan ka ng tumakbo niyan pag hinabol ka ng papa mo.”sabi ni mama sa akin bago ipikit ang kaniyang mga mata para matulog.

“pero cute naman ako diba ma?”pahabol ko kay mama.

“nako..talagang bata ka..matulog ka na nga maaga ka pa bukas baka malate ka na naman hindi ka na naman makakaligo kasi ang tagal mong gumising.”aniya ni mama

Minsan kasi hindi ako nakakaligo dahil matagal akong nagigising at matagal kaming natatapos kumuha ng pagkain ng baka hanggang sa nalilate na kaming magkakapatid.

“minsan lang kaya ako nagigising ng tanghali...nalilate ako dahil sa matagal kaming natatapos manguha ng kumpay.”mahina kong sabi na alam kong hindi narinig ni mama dahil natutulog na ito.

Life is full of sacrifices and my mother gave all the sacrifices she can give for this family even though she's been hurt inside.

Walang sinuman ang makakatumbas sa kaniyang sakripisyo na naibigay sa amin.

Kinabukasan ay magkasabay kami ni mama papunta sa eskwelahan dahil iyon ang sinabi ng guro ko dahil may sasabihin daw siya kay mama.

Pagkarating sa eskwelahan ay dumiretso agad ako sa aking upuan at ayun na nga daldal na naman ako ng daldal sa katabi ko si Jenny.

“ehh ano yun...bakit nandito mama mo?"tanong ni Jenny habang nakatingin sa labas kaya napatingin din ako doon at nakita ko na nag uusap ng masinsinan si mama at ang guro ko.

pinatawag kasi ni ma'am si mama...hindi ko alam kung bakit..”sabi ko sa kanya

“baka may nagawa kang kasalanan

“anong kasalanan yun?”

“ay...hindi ko alam bi kasalanan mo hindi mo alam..”

“wala kaya akong kasalanan...good girl ako ehh.”

“good girl? talaga lang ha ehh ano yung isang araw na hindi ka naka punta sa eskwelahan??”sumbat niya sa akin“at lagi ka pang late..”

Hindi ako makaimik sa kanyang sinabi dahil totoo naman,noong nalaman ni ate Rose ang ginawa namin ni ate Nikki at Kaye-c ay gusto niya kaming isumbong pero hindi niya nagawa dahil lasing si papa nung umuwi ito at nakaalalay pa si mama dito kaya hindi natuloy ang pagsumbong ni ate Rose.

“wala kana dun”sabi ko nalang sa kanya.

“ayy...ang taray parang hindi ako kaibigan slash pinsan mo ako Dae..at kung hindi mo naalala magkapit-bahay lang tayo."aniya ni Jenny sa akin ng may pagmamaldita pa.

“talaga ba?”sabi ko sa kanya“kaya pala alam ko kung kailan ka hindi naliligo tuwing pumupunta sa eskwelahan”dagdag ko pa para mas lalo siyang mainis.

“kapal mo ha..hindi ka rin naman naliligo at haler maganda ako kahit bagong gising no..”sabi niya sa akin sabay hawi sa mahaba niyang buhok.

Maganda naman talaga siya,may makapal na kilay na napakagandang tingnan na kabaliktaran sa kilay ko,curve na pilik mata,brown eyes siya kagaya sa mata ko , flat ang kaniyang ilong, matangos naman ang aking ilong,maputi siya habang morena naman ang kulay ng aking balat.

Mama niya at Papa ko ang magkapatid kaya first cousin kaming dalawa may apat na kapatid din siya na ka edad lang din ng mga kapatid ko pero puro lalaki ang mga kapatid niya kaya nag iisang prinsesa siya.

Maganda ka? sinong may sabi?”pabiro kong sabi sa kanya.

“talaga lang ha..hindi ka naniniwala sa kagandahan ko?”

“Hindi! ang panget mo kaya”sabi ko sabay hagalpak ng tawa at pahampas hampas sa kaniyang balikat.

“hoy..ang panget mo rin mukha kang dambuhalang unano.”ganti niya sa biro ko sabay tawa rin ng malakas.

Bwesit nakaganti pa talaga itong babaitang ito...

Nakita niya ang inis sa mukha ko kaya nahinto siya sa pagtawa.

“ohh..bakit ka naiinis ikaw yung nauna kaya..”sabi niya sa akin sabay irap.

“hoy hindi pwerket matangkad ka ay pwede mo nang laitin ang height ko"

“Bakit? totoo kaya maliit ka”dagdag niya na mas lalong nagpainis sa akin.

“ehh ikaw... flat naman ang ilong mo”ito na ang huling alas ko na alam kong magpapatahimik sa kanya.

Halata na sa kanyang mukha ang inis pero nanatili siyang tahimik dahil natapos na ang pag-uusap ni Mama at ma'am.Nagsimula na ang klase kaya lahat ng kaklase ko ay nakikinig na.

Nanatiling tahimik si Jenny habang nagkaklase si ma'am sa subject na Math.Favorite subject ko ito pero hindi ako nakikinig dahil sinusuyo ko ang kaibigan ko na alam kong nagtatampo na dahil sa asaran namin.

“Sorry na Jenny ikaw naman kasi ang nauna ehh..bati na tayo plsss.” I clasped my two palm to each other to say sorry with a little bit smile to show my two dimple.

Nagpapa awa ka na naman ehh"ayan na malapit na siyang nadala sa paawa effect ko.hehehehe

sorry na hmm...”sinsero kong sabi sa kanya.

“oh sige...sorry na rin dahil sa sinabi ko..”sinsero niyang hingi ng tawad sa akin.

“Love you frenemy”sabi ko sa kanya dahil sa aming dalawa ako ang pinaka clingy.

“Love you din”sagot niya sa sinabi ko.


Unexpected Love (Bet Series #1)Where stories live. Discover now