Kabanata 16

23 3 0
                                    

GULAT na napalingon si Soledad nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang pumasok ang nakatatandang kapatid na babae.

"Ate, ikaw lang pala, ginulat mo ako," wika niya.

Marahan natawa si Luciana. "Saan ba ang tungo mo at ikaw ay pusturang-pustura?" tanong nito nang maabutan siyang nag-aayos.

Ngumiti siya. "Magkikita kami."

Bumuntong-hininga ito at umiling. "Namimihasa ka ng pagtakas para lang makita mo siya."

"Huli na ito, ate. Bukas ay babalik na ako sa Maynila. Matagal ko siyang hindi makikita, magpapaalam lang ako."

"Paano ka aalis? Anong idadahilan mo lalo na't nariyan ang papa?"

Agad siyang lumapit sa kapatid. "Matutulungan mo ba ako."

"Sinasabi ko na nga ba," sagot nito.

Tumawa lang siya at naghintay ng sagot nito.

"O sige, akong bahala."

"Salamat, Ate Luciana!" masayang bulalas ni Soledad at yumakap ng mahigpit sa kapatid.

"Tapusin mo na 'yan at lalabas na ako."

"Sige."

Nagmadali siya sa pag-aayos. Bago lumabas ay kinuha ang polseras na kanyang binili kahapon pagkatapos ay sinilid iyon sa bulsa. Ilang sandali pa matapos masiguro na maganda at presentable na ay saka lumabas ng silid si Soledad.

"Saan ang punta mo?" tanong agad ng kanilang ama nang makita siya.

"Sa bahay, papa. Nakiusap ako sa kanya na tulungan ako sa mga damit ko. May mga nais kasi akong ipamigay, kaya lamang ay hindi ako masyadong makapili," pagdadahilan ni Luciana.

"Huwag kang masyadong magpapagabi at maaga ka pang luluwas ng Maynila bukas," mahigpit na bilin nito.

"Opo, papa," sagot niya.

Nakangiting lumingon sa kanya ang kapatid.

"Nakahanda ka na?" tanong nito.

"Oo, ate."

Nang makalabas ng bahay ay saka pa lang bahagyang kumalma si Soledad.

"Oh, narinig mo huwag kang masyadong magpagabi. Dapat ay alas-siyete nasa bahay ka na."

"Sige ate."

"Mag-iingat ka."

Marahan siyang tumango. Nang bahagyang makalayo mula sa kanilang bahay ay pinatong ni Soledad ang balabal sa kanyang ulo upang maitago ang mukha. Pagkatapos ay naghiwalay na silang magkapatid. Ito patungo sa bahay at siya papunta sa tagpuan nila ni Badong.


ANG bawat hakbang ni Soledad ay puno ng pananabik. Hindi niya nasilayan ang binata kaninang umaga kaya tiyak na naroon na ito at naghihintay. Makalipas ang ilang minuto na paglalakad, sa wakas ay narating na niya ang kanilang tagpuan. Gaya ng kanyang inaasahan nadatnan ni Soledad na nakasandal sa malaking puno at naghihintay.

"Badong!" tawag niya.

Nang lumingon ay agad siyang sinalubong ng magandang ngiti ng binata. Tumakbo ito palapit sa kanya. Nagulat pa si Soledad at hindi agad nakaimik nang

Tuwing DapitHapon (FOR PROMOTION ONLY)Where stories live. Discover now