CHAPTER 15

6 3 0
                                    

DAVE

"IT HAS been a while since I saw your faces, hasn't it?" malamig na pagbati ni Toby sa tatlong alumni.

"You still have that annoying look on you faces, don't you?" sabi nang lalaki na medyo mahaba ang bangs. Mukhang medyo nainsulto si Toby dun at sumimangot pa lalo.

"That's enough! We are not here para maglaro or para magkaroon nang reunion," Craige said. Then, everyone buckled up and waited for Craige's next words.

"These three old people are here to help us in our preparation against the Celestial Mafia." Natahimik ang lahat. Kapag naririnig nila ang pangalan ng mafia, parang auto-serious na agad ang mood ng lahat. Wait? Si-silang tatlo ang founding members nang club? Wow!

"Wait? Matanda ka d'yan? Kaunting respeto naman diyan Craige!" pagtataray nang magandang babae na naka-salamin habang ginugulo ang buhok ni Craige.

Gusto ko sanang matawa, nagpipigil lamang ako. This is the first time na nakita kong may trumato sa club President namin na parang isang batang paslit. Nakita ko ang pagkunot nang kaniyang noo bilang senyales nang kaniyang pagkainis sa ginawa ng babae.

"Ate! I told you not to do that in public! Lalo na sa harap nang members k-"

"Acting cool, uh," nakangising sabi nang isang lalaki. Pumunta siya sa harapan si Craige habang nakahalukip ang kaniyang mga braso atsaka tinignan sila isa-isa.

"Imbes na nagkakalat kayo d'yan, bakit ‘di na lang muna kayo magpakilala sa mga members ko?" saad ni Craige na tila ay napipikon na. Oo nga pala. Hindi pa pormal na nagpapakilala ang tatlong founder nang club.

"Hi Guys! Ako nga pala si Ichirou Montemayor. I am the former secretary ng Mysterium Clava and currently, I am working as an IT sa isang malaking estate company," pagpapakilala ng lalaki na medyo may pagka-blonde ang buhok and at medyo chinito din siya. I bet for sure na naging heartthrob siya no’ng kapanahunan niya sa academy.

Sumunod namang nagpakilala ay ang isang lalaki na medyo matipuno ang katawan. I presume ay mga nasa 5'8 ang height dahil sa sobrang tangkad niya.

"Hi! Ako nga pala si Alexander Morales, just call me Kuya Alex. I was the former secretary ng club. Well, wala naman akong choice dahil nag-start naman talaga kami as tatlo lang talaga. Currently, isa akong member ng SAF or Special Action Force ng ating bansa."

The last but not the least, ang susunod nang magpapakilala ay ang babae na medyo maiksi ang buhok, cute, at may suot din siyang salamin. She looks kinda jolly at the same time ay approachable.

"Hi Mysterium Clava! Ako lang ‘to! Charot. Ako nga pala si Crystal Dalmacio. Just call me Ate Crystal, Ate Crys pero pwede ding ate ganda. Ako talaga ang may pakana ng kalokohang ito pero ang masasabi ko na ang Mysterium Clava ay ang aking buhay. I spent my whole high school life with these two nerds investigating cases. Sa ngayon ay isa akong top secret agent ng NBI. Bago ko rin makalimutan ay ako nga pala ang panganay na kapatid ng club President niyong si Craige." Napa-face palm na lamang si Craige sa mga nasambit nang kanyang kapatid.

"And what's the catch?" sarkastikong tanong ni Ryn. Nagtatakang napatingin ang tatlo sa kanya.

"What do you mean?" tanong ni Nzib.

"They are not here just for nothing. As far as I am concerned, malamang sa malamang ay mayroon itong catch. There is an agenda, so spill the beans now." Nagkatinginan bigla ang tatlong founders.

"Walang pagbabago ang batang 'to. She is as frank as always," nakangising tugon ni Kuya Alex. Ryn just rolled her eyes. Grabe! Ganito pala sila kapag may alumni ditto. Lumalabas ang pagiging bata nila.

MYSTERIUM CLAVA (VOLUME 1) | COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora