CHAPTER 14

7 3 0
                                    

DAVE

HALOS lahat kami ay medyo exhausted at pagod pa dahil sa naganap na enkwentro namin laban sa Celestial Familia. Kaya, nagulat kami no’ng may pumasok sa clubroom namin.

"Who the hell are you?" Iritang tanong ni Craige sa babae. Napaatras na lang ang babae sa sobrang pagka-intimidate niya kay Craige. Sino nga ba ang hindi kakabahan sa gano’ng mood ng isang Craige Dalmacio?

"Hold your horse Craige," mataray kong sabi habang unti-unti kong nilapitan ang babae para kausapin. Tetsuya helped me calm her down as we assisted her to the conference room para kausapin. Before I get inside the room I left a life-threatening glare on Craige na kasalukuyang nakaupo sa kanyang swivel chair.

-

IT WAS such a very stressful day for all of us lalo na at alam naming hindi dito natatapos ang lahat. We know that the Celestial Mafia will stop at nothing para makapaghiganti sa amin. We ruined their plan and at the same time, we also took their prisoner.

But for now, we can take it off our mind and kailangan naming mag-focus sa kung ano ang nasa harap namin. We have to focus on this girl right in front of us that crying for a specific reason. Pagkapasok ko ng conference room, dahan-dahan kong tinabihan ang babae to calm her down.  

"Hi! My name is Dave. What's seems to be the problem here?" I asked as smoothly as I can. Imbes na sagutin ako ay mas lalo pa siya napaiyak sa tanong ko. I just tapped her at the back to cool her down. Dahil we won't be able to resolve her problem if she is just gonna keep on crying and won't tell us the problem.

Maya maya pa, nang makita ni Tetsuya na medyo ‘di ko na alam ang gagawin sa aming young client ay lumapit na siya. Tinanguan niya ako at saka ako tumayo upang ikuha siya nang maiinom.

Iniwan ko na muna si Tetsuya upang ikuha sila nang maiinom. Ano kaya ang dahilan nang sobrang pag-iyak niya? Anong klaseng kaso kaya ang aming kakaharapin?

To be honest, sa tingin ko ay wala nang makakapagpagulat sa akin sa kung anoman ang sadya niya sa'min. Masyado na akong madaming nasaksihan sa ilang taon ko sa loob nang Mysterium Clava. Crimes. Death. Blood.

Wala nang bago. Ano pa ba ang inaangal ko? Isang detective club ang sinalihan ko. Duh! Dali dali akong pumunta ng canteen para umorder nang pitong orange juice sa aming kliyente. Naisip ko na ring dalhan sila Craige, Toby, Nzib, at Ryn.

Habang naglalakad ako pabalik ng club room ay sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ako ng panginginig sa aking tuhod. There was this unexpected feeling na naging dahilan upang biglang manghina ang tuhod ko.

Paglingon ko ay nakita ko ang posibleng dahilan nang panlalamig ng aking katawan. I saw two familiar faces. Faces that gives me chills thru my spines bukod kay Craige at Lucius. Shin Midorin and the guy that we just saved from the Celestial Mafia, Seijuro Mendez. H-he looks so healthy na para bang hindi siya na-torture nang Mafia.

Nagmamadali akong bumalik sa club room. Ano bang nangyayari? Bakit parang walang kagalos-galos si Seijuro? Samantalang kanina ay parang siyang lantang gulay dahil sa sobrang torture ng Mafia.

Pagkadating ko sa loob ng club room ay tinignan nila akong lahat na para bang may mali. Dahil ba sa dala kong orange juice? Naningkit ang mga mata ni Toby habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Could it be na, he might have deduced that something was wrong?

"Hello! Dinalhan ko nga pala kayo ng juice galing sa canteen," I said to them as I served them the orange juice that I got from the canteen. Pagka-abot ko sa kanila ay dali dali akong bumalik sa loob ng conference room. Kahit nakatalikod ako ay ramdam ko pa rin ang matalim na tingin sa'kin ni Toby.

MYSTERIUM CLAVA (VOLUME 1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now