CHAPTER 11

10 3 0
                                    

DAVE

THE following day, nagkita kami ni Toby sa tapat ng Poirotea Café. Yes, sa tapat ng Café. Bakit nga ba sa tapat ng Café at bakit hindi na lang ako nag-intay sa loob?

If you can recall, last time na nakipagkita ako for an investigation sa café na 'to was with Tetsuya during the ‘Stalker Case.’ May nangyari rin doon na hindi maganda. A case, a murder. A certain employee got killed and it was up to me to solve it dahil sa late nang dumating si Tetsuya.

Kahit kanina pa akg pinapapasok ng mga employee ng café pero, tumanggi ako. Baka mamaya kapag may mangyari na naman at baka ako na ang sisihin nila. Ano ba 'yan! Wala naman akong balat sa pwet kaya huwag nila akong sisihin.

Moments later, dumating na si Toby and grabe pagka-book worm nito, ah. Nagbabasa habang naglalakad. Kapag nabangga 'tong taong 'to, pagtatawanan ko talaga siya at bi-video-han pa.

Pagkadating niya ay sumandal lang siya sa pader and he went on reading. Aba! Ano 'to? Hindi ako nage-exist? Konti na lang talaga bibigwasan ko na 'tong lalaking ito.

Dahil sa bwisit ko ay inagaw ko ang librong binabasa niya na ABC Murders by Ms. Agatha Christie.

"What? Give that back!" he said with his authorative voice. As if naman na may magagawa ang pagiging authorative niya sa akin.

"At ano? You will just read that book and continue on ignoring me? Then, it’s a freaking no!" I said while looking at him in the eyes. Para tuloy kaming nasa isang staring contest.

“Ehem. Ma'am, sir? Ayoko pong mangialam sa LQ niyo po pero, kung magaaway po kayo, huwag po rito sa tapat ng café. Baka po kasi matakot po ang mga customers eh," nagulat kami sa biglang pagsasalita nang isang employee ng nasabing cafe.

Sabay kami napatingin ni Toby sa nasabing employee with our eyes wide open.

"We are not a couple!"

-

TOBY

HINDI ko alam. But I just don't feel working with other people. Hindi ako comfortable na may mga kasama ako sa mga cases na hinahawakan ko.

Hindi nga ba ako comfortable or nasanay lang ako na gumagalaw ako sa dilim? Bakit ko nga ba nilalayo ang sarili ko sa mga tao na ang tanging gusto lang naman ay ang makasama at matulungan lamang ako?

I don't know why. Maybe it's also because of my dark past. Ayoko nang maalala. Ayoko nang masaktan pa. Pero at the same time, ayoko na ring mabuhay sa nakaraan ko.

Maya maya pa ay sinikmuraan ako ni Dave kaya nagising ako realidad.

"W-wait? What on earth was that for?" inis kong tanong sa kanya. Aba! Para saan at sinikmuraan ako nang babaeng 'to.

"Mag-focus ka Toby! Isang possible na kidnap case 'tong i-imbestigahan natin kaya ‘wag kang nakatulala lang d'yan!" ramdam ko ang inis sa boses niya.

D*mn! May punto nga naman si Dave. Ano ba ginagawa ko? Ako dapat ang nagl-lead kay Dave. But why is it like it became the other way around. I slapped myself at ginising ko ang sarili ko. Ginising ko ang diwa ko, and I woke my detective persona.

I faced her with my traditional poker face, then I handed her a folder that was prepared by Ryn herself as usual.

"So, here is what we are going to do for the first phase of our investigation and at the same time this will also serve as a part of your training." I said.

"And what is this so-called first phase?" she curiously asked.

"We will have our own seperate investigations, I will do some personal investigation while you go to those people na nasa list and try to interrogate them. Then, at the end of the day let's meet at the Holmes Academy Cafe." I explained. Her eyes widened after hearing the plan.

MYSTERIUM CLAVA (VOLUME 1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now