Kabanata 23

4.5K 106 23
                                    

Kabanata 23

This was the first time I heard him scream, because he was so calm in everything.

Napaawang na lang ang labi ko nung makitang nagtutulakan ang apat, napatingin ako kay Mizuki na masamang nakatingin sa mga kaibigan niya.

"Galit na yung colonizer! Kaya tara na bago pa tayo masakop," sabi ni Travis habang natatawa si Logan at Keith.

"May alam ka pala sa history, Ford?" rinig kong tanong ni Zach.

"Gago nakikinig naman ako," angal ni Travis.

"Sabagay lahat kayo nangongopya sa akin." kibit balikat ni Zach.

Si Zach naman ay maangas lang na lumabas sa loob ng kwarto, buti magkakasundo sila kahit magkakaiba ang kanilang ugali.

Nakaalis  na ang mga kaibigan niya kaya kaming dalawa na lang ang naiwan sa loob ng kwarto.

"I'm sorry," he said. 

Lumapit na ako sa kanya para makita talaga ang kanyang sitwasyon.

"Paano ka nakapunta rito?" tanong niya.

"It's not important," I replied. 

Nakasuot siya ng hospital gown at meron din siyang dextrose sa katawan. Ano bang nangyari sa kanya?

"What happened to you?" I asked.

"May sumakit lang sa akin." sagot niya saka nag iwas ng tingin.

Pero muli rin siyang tumingin sa akin, "Halika rito." pagkalapit sa kanya ay hinigit niya ako para sa isang yakap.

Nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya at rinig na rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso.

"I hate you," I told him while sobbing.

"I know," he said, and his voice cracked.

I admit it. I was so worried when I received a call from his friends. For the second time, I ran away from our hacienda, and it's because of him.

"Tahan na. Hindi naman ako mawawala," paninigurado niya sa akin.

Umalis na ako sa pagkakayakap saka niya pinunasan ang luha sa aking pisngi. Umupo na rin ako sa tabi niya habang maghawak ang aming kamay.

"Nag alala ka ba sa'kin?" humina ang kanyang boses.

Magsisinungaling pa ba 'ko? Marahan akong tumango sa kanyang tanong, nakita ko ang pagpungay ng mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Ang saya ko." sabi niya pero gumaralgal ang kanyang boses.

"Kasi nag alala ka sa akin, kasi may pakialam ka na ulit sa akin."

Parang tinusok ang puso ko nung marinig ang sinabi niya sa akin. Hinawakan ko na lang ang kamay niya ng mahigpit.

Pinabalik ko na si Kuya Lando sa amin kasi si Mizuki naman ang kasama ko.

"Nakanaks naman oh!" si Logan.

Nakaramdam ako ng hiya nung mapansing nakatingin silang lahat sa akin, pakiramdamn ko kasi ay hinuhusgahan nila ako.

"Tigilan niyo nga 'yan," striktong suway niya sa mga kaibigan.

Pumunta ako sa gilid ni Mizuki dahil nga nahihiya ako sa mga kaibigan niya ngayon.

"Natakot ata sa mukha mo, Dawson." Asar ni Travis kay Logan.

"Wow ha? Kapal ng mukha neto," atungal naman ng isa.

Magsasakalan pa sana silang dalawa, pero inawat na sila ni Zach. Silang dalawa ni Mizuki yung napapansin kong seryoso sa barkada nila.

"So, you're a Sy?" Zach asked me.

Captivated Hearts (Organización Intrepída series#5)Where stories live. Discover now