Chapter 71 🔞

2.3K 83 39
                                    

Sobra na talaga akong lutang sa mga nakalipas na araw. Parang shock parin kasi ako sa mga nasaksihan ko.

Patay na si June, yes namatay siya sa tama ng baril at sa harapan ko yon mismo parang bumalik ako sa mga kaganapan 5 years ago.

Kung paano ako muntik mamatay at kung paano namatay ang mga taong nagbalak gumawa sakin ng masama. Masasabi ko pabang swerte ako? Kung kaakibat naman nito ang pagkawala ng ibang buhay.

Hindi ko alam kung paano ako muling mag-sisimula, si june lang ang tumutulong sakin noon, nagsusustento ng mga kailangan ko at kung ano ano pa at ngayong wala na siya parang nawalan ako ng isang paa.

Kahit malaki ang kasalanang ginawa niya ay thankful parin ako sakanya dahil siya ang unang taong tumulong sakin ng makabalik ako yun ngalang ay hindi ko napagtanto na siya rin pala ang may pakana ng lahat para sakin.

Silang dalawa ni vincent ang gumulo sa tahimik kong mundo. "Mama are you okay?"

"Ha? Anak ikaw pala." Kunot noo akong tinitigan ng anak ko.

"I've been with you since morning, mama." Kanina ko panga pala siya kasama sa sobrang kalutangan ko diko na alam ang mga ginagawa ko.

"Is there something bothering you, mama?" Ginulo ko ang buhok ng anak kong si Marcus.

Nawala sa isipan kong hiniram ko nga pala siya kay Light para ipasyal at tumigil nga kami dito sa karinderya para mananghalian sa sobrang kalutangan pati pagkain niya diko naasikaso.

"None, baby." Ngumiti ako dito. "Here kain kana masarap yan paborito yan ni mama sisig at tortang talong." Sinubuan ko siya ng konti sa kutsara kailangan munang tantyahin kung magugustuhan niya ba o hindi.

Wala akong alam sa mga hilig ng anak ko, kaya rin ako nagpasyang ipasyal siya para mas makilala ko pa siya ng maayos.

"Yummy! I want more mama!" Napangiti naman ako ng malaki at sinubuan siya ulit ng mas marami.

Ilang taon ko silang hindi nakasama. Ilang taon akong wala sa tabi nila, pinilit kong bumawi, pero laging may sagabal sana sa pagkakataong ito ay magampanan ko ng ganap ang tungkulin ko bilang ina nila.

"Anak." Pagtawag ko na ikinaangat nito.

"Yes mama?"

"Si je..ff yung dating asawa ng mommy mo, is he treating you nicely?" He can understand tagalog naman di lang siya makapagsalita kung makakapagsalita man ay paunti-unti.

"Tito Jeff is a nice guy, but not until she married Mom. There was this time where I saw Mommy and Tito Jeff fighting. He threatened Mom that he would hurt me if she didn't do what he said."

"What did he say to your mom?"

"He wants mommy to stop communicating with my tita's. He wants him to cut her connection with everybody and stay at home and be a good wife." Sa mga narinig kung yon ay medyo kumulo ang dugo ko.

Gusto niyang alisin ang kalayaan sa mga kamay ni light.

"Does he ever lay his hand on your mom?" Hindi ito nakakibo nagulat nalang ako ng bigla itong umiyak, kaya napatingin samin ang ibang kumakain.

"Shhh, tahan na anak susme baka akalain nila pinaiyak kita." Inalo ko ito hanggang sa kumalma narin siya.

"He hits mommy every time he's mad, but mommy doesn't do anything to fight back. I want to protect mommy, but I can't do it because... I'm scared that he would hit me too.""

Ramdam ko ang naging trauma ng anak ko sa lalakeng yon. Naaawa ako kay light dahil hindi ko siya natulungan ng mga panahong kailangan niya ng proteksyon.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOWhere stories live. Discover now