Chapter 19

1.3K 66 1
                                    


A/N: Super Happy Cutieeee. Thank you Binibining A cutiee for making me happy last night kahit parang timang lang ako kausap haha.

Wala muna po akong masyadong UD sa kwento ni Alelly. Wala pa kasi akong maisip kaya dito muna ako. Pasensiya na and thank you sa paghihintay!

Enjoy!


Eli/Iziah POV

Wala sa sarili kong tinahak ang hallway ng engineering dept. Muntik pakong mabangga sa basurahan kung hindi lang ako nahila ng kung sino.

"R-ruffa." Gulat na usal ko. Kinunutan ako nito ng noo.

"Bakit wala ka sa sarili mo? ni hindi mo manlang nakita na malapit ka ng bumangga sa basurahan."

Wala ako sa sarili. Mukhang wala nga talaga...

Hinawakan nito ang braso ko at inalalayang lumakad na parang isang baldado.

Kung sabagay ano bang pinagkaiba ko sa bulag o pilay? Parang wala naman.  buo nga ang katawan ko pero wala naman na akong puso kaya para narin akong baldado kagaya nila.

Pinaupo ako nito sa bench. Napayuko nalang ako sa aking mga tuhod. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa parang may pumipigil sakin na huwag lumuha.

"Hey..." Malamyos nitong tinig. Naramdaman ko ang paghaplos nito sa likuran ko. "Ano bang nangyari Eli? May problema kaba?" 

Problema...

Hindi lang basta problema ang kinahaharap ko ngayon..kundi isang delubyo. Delubyo na hindi ko alam kung paano susulusyunan.

Hinarap ko ito at mukhang nagulat siya ng makita akong umiiyak.

Jeez. Naiyak na pala ako hindi ko manlang namalayan.

"E-eli." Umiling ako rito ng Plano nitong punasan ang mga luha ko.

Sorry...

"Sorry...Sorry ruffa..." Naguguluhan man ay niyakap nalamang ako nito.

Umiyak ako. Oo umiiyak ako ngayon sa bisig ng kaibigan ko. Kaibigang matagal kong nasaktan ng piliin ko ang sarili ko.

"Patawarin mo ko ruffa...patawarin moko sa nagawa ko sayo noon..."

Sorry. Tanging salitang kaya kong ibigay sakanya.

Alam ko nasaktan ko siya noon ng hindi ko pinakinggan ang paliwanag niya, ng mas piliin ko ang sarili kong nararamdaman kesa pakinggan siya sa nais niyang sabihin.

Pinili ko ang sarili ko noon ng hindi iniisip ang nararamdaman niya, pinili kong maging bulag sa sakit kesa makinig sa paliwanag niya.

Ngayon ay panahon na para siya naman ang piliin ko...

Tama kayo ng narinig... Si ruffa ang pinili ko...ang kaibigan ko ang pinili ko...laban sa apat.

Mahal ko sila, mahal na mahal pero si ruffa...kaibigan ko siya...kaibigang hindi ko inisip, kaibigang pinili kong saktan. Kaya ngayon nararapat lang na piliin ko siya. Kahit kapalit non ang ugnayan ko sa apat.

"Wag na tayong pumasok. Pumunta nalang tayo sa mall." Tipid nitong ngiti.

Wala na ang luhang pumapatak sa mga mata ko, mas gumaan narin ang pakiramdam ko kahit papaano. Salamat sa taong nandito kasama ko.

"Seryoso kabang mag c-cutting tayo?" Bibihira lang niyang sabihin ang bagay nato, ni minsan hindi ito pumayag na lumiban sa klase ako pa nga ang parating nag-aaya sakanya na ang cutting class kami pero ayaw talaga niyang pumayag.



POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOWhere stories live. Discover now