Chapter 2

3.1K 138 4
                                    

Continuation...

Ghad bakit nasa katawan ako ng balahurang lalakeng to!

At hindi manlang marunong mag shave.

150 ang naman ang wax hindi pa niya afford. Ang poor.

"Mommy is he okay?" Kunot noo akong napaangat ng tingin.

May batang lalake sa harapan ko habang nakahawak naman ang tinawag niyang mommy sa kamay nito.

Maganda yung babae pero mas maganda lang talaga ako.

"Shhh anak baka marinig ka. Halika na nga at baka saktan pa tayo ng baliw nayan."

"Hoy bruha sinong baliw ang tinutukoy mo ha! Bumalik ka dito para malaman mo kung sino ang tunay na baliw!"

Kinalong nito ang anak niya at mabilis na tumakbo palayo.

Gaga yon ginawa pakong baliw.

Inis akong bumalik ng kotse ko at kinumpirma kung tama nga ba ang hinala ko.

Pagkatingin ko sa sarili ko sa salamin ay yung mukha nanaman ng lalake ang nakita ko.

Pinisil ko ang pisngi ko at ganun din ang ginawa ng repleksyon sa salamin doon ko na kumpirma na ako nga ang lalakeng nakita ko kanina.

Goodness gracious paano nangyari ang bagay nato?

Paano ako naging isang lalake?

Tyaka...

Napatingin ako sa pagitan ng hita ko ay tuluyan ng nanlaki ang mga mata ko.

"F*CK BAKAT!." Sigaw ko at mabilis itong inipit.

Suot kopa ang shorts na isinuot ko kagabi kasama ng white T-shirt na ngayon ay putok na putok sa katawan ko.

Kaya siguro akala ng mga bruhang babaeng yon kanina na lalake rin ang trip ko dahil nakapangbabae akong damit sa ganito kalaking katawan.

Napasabunot akong muli sa maikli kong buhok at paulit ulit na iniuntog ang ulo ko sa manibela.

Kailangan kong magpalit ng damit sa lalong madaling panahon. Hindi narin ako pwdeng umuwi ng bahay dahil paniguradong hindi maniniwala sakin si manang kapag sinabi kong ako si Iziah.

At itong sasakyan siguradong hinahanap nato ngayon dahil iisipin nilang kinidnap ko ang sarili ko.

Oh god! Anong kababalaghan ba itong nangyayari sakin.

Bakit ako naging lalake huhu.

Hindi. Hindi ito ang araw para mag breakdown.

Kaya mo to Iziah. Manatili kang kalmado.

Mag-isip ka sa susunod mong gagawin.

Mag-isip ka ng maayos.

Kaya mo yan.

*inhale*

*exhale*

I should buy a clothes first.

Mall

"Good afternoon si--madam." Napairap ako sa saleslady na sumalubong sakin.

Dumiretso ako sa boys section at doon naghanap ng damit para sakin.

Diring diri ako habang pinagmamasdan ang underwear na panglalake.

Hindi ko inaakalang aabot ako sa kasumpa sumpang pagkakataong to.

"Gusto niyo po bang tulungan ko na kayong hanapin ang size niyo si--madam?"

Bakit ba sunod ng sunod ang babaeng to. Tyaka anong madam hindi ba niya nakikitang nasa lalakeng katawan ako.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon