CHAPTER #26

132 9 0
                                    

AUTHOR'S NOTE : Alam kong nag tatampo na kayo😘😘. Sorry late update kasi busy si ateng author. Mahal na mahal ko kayo.



CHAPTER #26

-UTUSAN-


DAZE POV


"Papahirapan mo na si south?... Pwede bang huwag mo ng ituloy?"



Tumaas ang kilay ko ng tumingin kay klayklay. Nasa court kami ngayon para sa PE class. Hinayaan namin si south sa gilid na nakikisayaw sa mga nag zuzumba sa kabilang section. Nakaupo kami ngayon sa sahig habang pinapanood sya kasama si Travis.




"What?" tanong ko sa kanya, kaya umiwas agad sya ng tingin. "Inuutusan mo ako?".




"H-hindi.. Pero wala namang ginagawa sa atin si south, kaya baki--".




"Ayoko ng babae sa section na ito".
Putol ko sa kanya. Nakatingin silang lahat sakin. "That's all. Wala syang ginagawa sa atin pero ayoko sa babae.. Ayoko sa tulad nya".





Natahimik sila. Kumunot ang noo ko ng makita ang mga mukha nila. Worried? Concern?... What the fuck.
Umiling nalang ako. Nang tumingin ako kay chikiro ay nakatingin sya ngayon kay south na nag ta-tumbling na ngayon doon.




Something is wrong here..



SOUTH POV




Nakakahingal!. First time kong mag zumba, First time ding tumunog ng mga buto ko. Yung parang ilang taon kang kulang sa jogging at sayaw. Tindi! Yung tunog nung buto ko akala mo tunog buto ng asong tamad.



Kanina pa kami ng sasayaw ni Travis dito. Nakikisayaw kami sa kabilang section pero malayo naman kami. Para nga kaming mga ugok dito, siguro dahil sa wala kaming magawa, yung mga kasama namin kasi nakaupo doon sa gilid, may sariling mundo.




"Alam mo, para kang tanga". Aray ha, Sa harap ko talaga!. . Iyan ang sabi sakin ni Duke ng makalapit ako sa pwesto nila.



(--__--). Tinutukan ko sya ng bote na ininuman ko. "Kita mo to?" tanong ko kaya agad na kumunot ang noo nya. "Ito sasaksak sa lalamunan mo kapag hindi ka tumigil kaka sabi ng 'Tanga' dyan" pag babanta ko sa kanya. Masakit sabihan ng tanga, kahit tanga ka naman talaga.





Umiling nalang sya sa sinabi ko bago umalis. Agad naman na lumapit sa amin sina klayklay.




"Ang galing naman mag sayaw ng lola na iyan!-" parang proud na apo na sabi sakin ni klayklay. "Haha. Sa sobrang tigas ng katawan mo akala ko ikaw yung matanda sa kanto...Kahoy kaba? Bakit ang tigas ng katawan mo?".

The Only girl in Section E |✓ (Part one: Beginning) Where stories live. Discover now