CHAPTER #22

312 13 2
                                    

AUTHOR'S NOTE: Hello, Miss nyo ba ako? Kasi ako? MISS KO KAYO! 😊❤️, Sorry kung late update ni author, ang dami lang ginagawa, School works kasi😢. Lub u pipol, Ispisyal kayo sa akin😘.

CHAPTER #22

-SABONG-

"Walang klase! Uwian na! Sugod sa sabungan mga kababayan!".



"Yeheyy!!". Sigaw nilang lahat.



(--__--). Parang mga ulol na aso ang mga kaklase ko ng sabihin nitong batang si klayklay na wala daw klase ngayon. Merong namang sayaw ng sayaw sa itaas ng desk sa sobrang tuwa, merong naiiyak, merong nag group hug pa tapos tumalon talon na akala mo nanalo, mas matindi yung ibang kumakanta na may piyok na kasama.



Napangiwi ako habang pinapanood silang nag wawala. (0_0). Grabe, Bakit ganto ang mga kasama ko?, Medyo hinangin ata utak nila.



First time ba nilang makaranas ng walang klase?. OA nila mag react.




"Grabe.." hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.Napangiwi ako ng sumigaw pa sila. "Ang galing nilang lahat, kuhang kuha nila inis ko" sabi ko sa sarili ko.


Mga olol!.

Kami lang nina travis, chikiro at demunyitong si daze ang nakaupo dito. Parang kaming nanonood ng "Happy family".  Pero bakit walang klase?, Kami lang bang section or lahat?.




Napalingon naman agad ako kay Travis, Nakita ko syang nanonood ng anime sa loptop nya, Shala apple ang tatak, Suot suot nya pa ang salamin nya habang seryosong nanonood, partida, ang init ngayon pero ang kapal ng libag nya--este jacket nya.




Kinalabit ko sya kaya lumingon sya agad sakin. "Bakit south?" tanong nya bago tinanggal ang headset sa tenga, alangan namang sa ilong diba?.





(0_0). Natulala ako.. Gwapong nilalang naman nito.... Umiling iling agad ako. Landi mo south! Apaka landi ha!.





"Bakit walang klase? Ang aga pa ha?" tanong ko sa kanya bago itinuro ang mga kaklase kong nag wawala pa rin hanggang ngayon. "Mga kaibigan mo, Nakakatakot, baka mamaya mangagat eh"





Mahina agad syang natawa sa sinabi ko, Totoo naman eh!, Baka sa sobrang pag wawala nila, mangagat yan! Susko!.




"Hindi ko din alam south" umunat unat pa sya bago tumingin sakin.
"Baka may ginagawa ang mga teacher ngayon". Sabi pa nya sakin bago tumingin sakin.





"Anong ginagawa nila?" tanong kopa. Bakit? Aral na aral na ako oh--Luh, south? Sino niloko mo?.



"I-try mong google south?"



(--__--). Gwapong medyo barumbado ang bibig ha.



Bigla syang tumawa sa reaksyon ko, ginulo nya agad ang buhok ko kaya lalo akong ngumuso sa kanya. Pasalamat ka at gwapo ka.





"Joke lang south haha, Hindi ko din alam, alamin nalang natin mamaya" paki usap nya kaya tumango nalang ako. "Tara, Mall tayo"



The Only girl in Section E |✓ (Part one: Beginning) Where stories live. Discover now