CHAPTER #24

248 11 10
                                    

CHAPTER #24

-SABONG 3-

"1...2!... 3!...HEY!Nag simula ang salpukan! Manok na pulaaa. Biglang natamaan! Nag gewang gewangg.. SA ISANG IGLAP LANG AKO'Y KINABAHAN!HINDI NAKATAYO. PATAY. NATULUYAN!"





(--__--). Hindi ko alam kung ano ang una kong iindahin, Yung sakit ba ng pag kakapitik sa noo ko ni daze o yung nag wawalang boses ni klayklay sa karaoke.




Nandito kami ngayon sa loob ng isang malaking bahay kubo, Sina klayklay ay nag wawala na doon habang nakanta, Buti kung parang anghel yung boses nya, kaso unang rinig ko palang parang sya lang ata ang gising noong nag bagsak si lord sa mundo ng barumbado at piyok na boses!.




Nakaupo ako sa isang sofa habang nasa harap ko sina duke, chikiro, yung cloud at itong hayup na namitik sakin at sama ng tingin sakin ngayon,
Sarap tusukin ng mata nya, Pasalamat ka at gwapo ka kung di... Edi wow.




"Problema mo?" tanong nya sakin at nag taas ng kilay. "Samaan mo ako ng tingin dyan babae ka, pipitikin kita ulit." pag babanta nya, akmang pipitikan ulit ako pero mabilis kong tinakluban ang noo ko, Gago to! Uulit pa! Akala mo naman hindi masakit!.




"Mama mo" tanging nasabi ko. Ngumuso ako bago tiningnan ang mga hawak nilang alak. "Ka aga aga alak,buti kung sa langit kayo makakapunta kapag namatay kayo eh" pang aasar ko sa kanila, Pero trooo, Hindi sila papasok sa langit! Ako na ang nag sasabi.




"Bakit? Hindi ba?" tanong ni duke bago nag salin ng alak.







"Aba nag tanong kapa ha--" natawa ako bago umayos ng upo, dinuro duro ko silang apat. "Sa ginagawa nyo palang ngayon sa tingin nyo makakapasok kayo? Tsk tsk tsk,Bawal yan.... Saka sa mga itsura nyo palang bawal talaga, Mga ulol, bawal badboy doon". Sabi ko dahilan para tingnan nila ako, Malakas naman akong natawa.






Akmang tatayo si daze ng pigilan sya ni chikiro. Dinilaan ko naman sya kaya parang may laser na yung mata nya kung makatingin sakin. Ha! Kahit anong gawin mo!! Kay frenny mong si satanas ka makakapunta!! Doon kayo nag inom na mga hinayupak kayo!.




"Nang gagago kaba?!" Inis na sigaw nya sakin.



"Hindi... Nang gagago lang". Pabalang kong sagot.





Mabilis akong tumayo at kumaripas ng takbo doon ng tumayo si daze at akmang hahabulin ako, Mabilis akong pumunta kina klayklay na nag wawala pa rin doon. Nang tingnan ko sina daze, ang sama ng tingin nya sakin!, Wala akong pake sa kanya!! Sepakin ko sya eh.



Daze POV.


Sinusubukan talaga ng babaeng yan ang pasensya ko ha.




"Kumalma ka". Sabi sakin ni chikiro pero hindi ko sya pinansin. Lumagok ulit ako ng alak bago masamang tiningnan si south na nandoon na kina klayklay. "What will you do with that girl? It seems like all your plans don't work".




The Only girl in Section E |✓ (Part one: Beginning) Where stories live. Discover now