KABANATA 3

3 1 0
                                    

Demi Louise Alontes

Natigil ang usapan namin ni Sage ng biglang bumukas ang pintuan ng silid kung saan gaganapin ang meeting with the engineers.

Ilang segundo ang tinagal bago ako lumingon rito, dahil nagtaka ako bakit hindi pa pumapasok ang mga ito.

I saw two women together with Ali, one of my staff. Ang isa sakanila ay mukhang nakakita ng multo habang nakatingin sa akin. Medyo may katangkaran ito samantalang ang isa ay siguro kasing height ko.

Hindi ko siya pinalagan, kaya't tinitigan ko rin ito ng walang emosyon.

She looks a bit familiar though. Pero hindi ko maalala kung saan nga ba kami nagkita.

"You must be Engineer Cazuha?" Panimula ko, dahil mukhang wala itong balak kumilos.

"Asael.." nilapitan ito ng kasama niya dahil mukhang too stunned to speak pa rin siya.

"A-ah Yes. Engineer Asael Maxine Cazuha. And you must be the CEO's daughter?" She replied.

I slowly nodded and walk closer to her,
"It's a pleasure to finally meet you, Engineer Cazuha. Demi Louise Alontes." Sabay lahad ng aking kamay upang makipagkamayan.

Meanwhile, it took her seconds before she held my palm to shake hands. When our hands met...

I flinched.

Something's strange,

kaya dali dali kong binawi ang aking kamay.

"Should we start?" Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina at ganun din ang mga ito. This place is actually a dining hall.

Ipinalabas ko na ang mga inihandang pagkain. Dahil balak kong pagusapan ang Legacy project after naming mag-lunch.

Sa round table ay katapat ko si Cazuha. Samantalang nasa right side ko naman si Sage.

"Remy Ybañez nga pala." Napatingin ako sa katabi ni Cazuha nang inilahad nito ang kaniyang kamay, mukhang kaibigan niya ito. Balita ko isa rin itong engineer.

Nakipagkamayan naman ako. "Nice to meet you." I just smiled a little that left her starring.

Why? May dumi ba sa mukha ko?

Maya maya pa ay nagsimula na kaming kumain. I noticed na si Remy ang pinakamadaldal sa kanilang magkakaibigan. Tila ba 'di ito nauubusan ng kwento. Meanwhile, Cazuha remained quiet. She's busy eating.

"Kanina ka pa namin hinahanap, akala namin nawala ka na. Kilala mo na pala itong si Miss Demi?" Kausap ngayon ni Remy si Sage. At mukhang nagtataka siya dahil kasama ko ito nung pumasok sila kanina.

"Hmm. Nakasalubong ko si Miss Demi kanina  nung naglilibot tayo sa site. Tapos nalaman kong siya pala ang CEO kaya pinagusapan na rin namin ang balak kong pagbili ng motorbike. That's all." Saad ni Sage.

She's too formal when she mentioned my name. What's with her? Akala mong hindi kami nagkikita araw-araw.

"Ah I see."

Pasimple akong sumusulyap kay Cazuha dahil mukhang malalim ang iniisip nito. Is she okay? She better be. Marami pa kaming pag-uusapan.

"Try the grilled lobster. It's good." Panimula ko na umagaw ng atensyon ng mga tao sa loob ng silid. Napatingin naman si Cazuha sa akin. She gave me the ako-ba-kausap-mo look.

I just starred at her. Giving her the yes-I-am look.

Ilang sandali pa ay sinubukan nitong tikman ang grilled lobster and she just nodded her head. Looks like she agreed.

Drunk And LostWhere stories live. Discover now