EBOMFH 6: It only wants one thing

12 0 0
                                    


EBOMFH 6: It only wants one thing

"Guys, we're here!" sigaw ni Jacque nang makita nila ang mahabang mesa na kinaroroonan ng mga kaibigan nila. "I brought someone, look!"

Lumingon naman ang mga kaibigan niya at ang boses agad ni Mesha ang sumalubong sa kanila.

"Oh my god, Jake? What are you doing here?" salubong ni Mesha sa kanila at niyakap si Jake. "Wait, why did you smell like Madel?" kunot-noong tanong nito at muling inamoy si Jake.

Natigilan siya at napailing, wala talagang nakakaligtas sa talas ng pandama sa babaeng ito.

"Hey, dude. It's nice seeing you here," nakangiting wika naman ni Esteban na lumapit sa kanila at tinapik sa balikat si Jake.

"Mm. Nice to see you too," nakangiting sabi naman ni Jake. "I was accidentally meet Jacque on the way."

"Oo nga, nagulat din ako nang tawagin niya ako kanina," sabi naman ni Jacque. "Where's Dave?" tanong nito nang hindi mahanap ang nobyo nito sa grupo.

"He's with the others. Hindi na kami sumama nang malaman namin kung saan sila pupunta," sagot ni Esteban.

"Where did they go?" tanong ni Jacque.

Sabay-sabay silang naglakad papunta sa dulo ng mahabang mesa. Wala ang ibang kaibigan nila doon ngunit may mga pamilyar siyang mukhang nakita doon. They're all their schoolmates, binati siya ng mga ito at nagkamustahan.

Muntik na siyang mapalundag nang biglang sumigaw si Mesha at tinapik pa siya sa balikat. "Now I remember it!"

"Puwede ba'ng huwag kang manggugulat!" angil niya rito at napahawak sa dibdib niya.

"Sorry naman, bigla akong may naalala, eh," nakangising sabi nito at tumingin sa suot na damit ni Jake.

"Ano na naman iyon?" aniya't inirapan ito.

"He's wearing your shirt," sagot nito.

"Talaga?" tanong ni Esteban at napatitig sa suot na damit ni Jake. "Now that you mentioned it . . ."

Marahas siyang napabuga ng hangin at naiiritang nagkamot ng sentido.

"Aksidente kong naapakan iyong damit ni Ems kanina habang ina-apply-an ko siya ng sunscreen sa likod," nakangising sabi ni Jacque. "Iyon din ang naabutan ni Jake kanina, babalik pa sana si Ems sa hotel para magpalit pero may kalayuan na din kami kaya nag-offer itong si Jake na ibigay ang suot nitong hawaian shirt kay Ems and wear that dirty shirt," pagkukuwento nito.

"So that what happens . . ." nakangiting sabi ni Mesha, nabasa niya ang kakaibang kislap ng mga mata nito nang tumingin sa kanya.

"Yes!" sagot naman ni Jacque. "I told him that he's our savior!"

"Indeed," nakangiting pagsang-ayon naman ni Esteban na inakbayan si Jake. "Timing na timing ang pagpapakita mo sa amin, brad."

"Kung anuman iyang kalokohan na nasa isip niyo, huwag niyo ng ituloy," naiiling na sabi niya at hinarap si Jake. "Pasensya ka na."

Nakangiti namang umiling si Jake. "No worries, I've been known them at sanay naman din ako sa mga kalokohan nila."

"Jake?" sabay-sabay silang napatingin sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa lalaki at nang makita nila si Chollo na palapit sa kanila ay nagkatinginan silang lahat.

"Why are you here? Akala ko ba may mga nakita kang dating kaibigan?" nagtatakang tanong ni Chollo kay Jake saka tumingin sa kanila.

Nagtataka din si Jake at nagulat nang makita si Chollo, nang maintindihan ang sitwasyon ay natawa ito at napailing. "Sila ang sinasabi kong mga kaibigan ko."

Every Beat of my F-ckin HeartOnde as histórias ganham vida. Descobre agora