EBOMFH 1: Five Years Passed

28 1 0
                                    


EBOMFH 1: Five Years Passed


Tumunog ang timer ng oven, hudyat iyon na luto na ang bago niyang pinag-aralang cake recipe. It's called mille-feuille, it is made from layers of thin puff pastry that is alternated with a cream filling and topped with a ganach. Hindi naman mahirap para sa kanya ang gawin ito at maging ang ilang flavours na natutunan niya ring gawin, ang tanging mahirap lang ay hanapin ang ilang spices na kakailanganin niya para gawin ang cake na ito.

Naglagay si Madeline ng makapal na hand glove at binuksan ang malaking oven saka maingat na tinanggal ang tatlong tray ng iba't ibang flavour ng mille feuille.

"Myra, paki-slice na ng mga ito at pakilagay sa malaking plate para mailagay na sa labas," utos niya sa isa sa mga kitchen staff.

"Okay po, Ma'am," magalng na turan naman ni Myra.

"Thank you," nakangiti niyang sabi at nang mailapag na ang mga tray ay pinasalang na niya ang ilang tray ng ginawa niyang cake saka inilibot ang paningin niya sa kabuuang silid. Lahat ay abala at may kanya-kanyang ginagawa sa parteng iyon ng kusina.

Siya ang namamahala sa Pastry Kitchen dahil na rin sa request niya, mas gusto niyang on hand pa rin siya pagdating sa mga ibe-bake na mga cake.

"Labas na ako," paalam niya sa mga naroon.

Paglabas niya ay nagulat pa siya nang makita ang mga kaibigan niyang nakahilera sa counter at nakatingin sa kanya.

"Where is it? Luto na ba?" tanong ni Jackson na tila naglalaway at nakatingin sa likod niya na tila may inaabangang lumabas doon.

Napailing siya saka nakangiting lumapit sa mga ito. "Kanina pa ba kayo? Bakit hindi niyo man lang ako sinabihan?" tanong niya na tumingin sa mga kaibigan niya.

"Kadarating lang din namin," sagot ni Dina na nakapangalumbabang nakatingin sa kanya. "Troy, texted us and told us that you're baking a new recipe, siyempre hindi namin palalampasin iyon."

"Mm, simula nang bumalik ka ng Pilipinas ay hindi mo pa kami inayang tikman ang mga natutunan mong recipe," sabi naman ni Jacque.

"Where is it? Bakit ang tagal lumabas ng staff?" nakasimangot na sabi ni Jackson, halatang naiinip na sa kahihintay.

"Tch. Maghintay ka nga. Hindi ka pa ba nagsasawa sa nakapalibot na cake dito sa Café?" salubong ang kilay na angil ng kapatid nito.

"Shut up. Ako pa rin ang Boss dito kaya ako dapat ang unang makatikim ng gawang cake ni Madel," angil pabalik ni Jackson sa kapatid nito.

Pagak siyang natawa at hindi umimik. Sino ba'ng mag-aakala na pagkalipas ng ilang taon ay ganito pa rin umasta ang mga kaibigan niya? Parang walang nabago sa mga ito at kung gaano kasabik ang mga ito sa mga nauna niyang ginagawang cake ay ganoon pa rin ang mga ito ngayon. At isang bagay lang siguro ang nabago simula noon.

Tila may kumirot na naman sa puso niya nang maalala ang mapait na nakaraan ngunit mabilis niya iyong itinakwil sa isipan niya. Hindi makabubuti sa kanya kung aalalahanin na naman niya iyon. Ilang taon na ba simula nang mangayri iyon? Limang taon? Ah, ang bilis lumipas ng panahon, five way long years but still, it hurts.

"Ma'am ito na po, saan ko po ito ilalagay?" tanong ni Myrna na dala ang dalawang plate habang nakasunod ang isa pang kitchen staff.

"Here," sabi niya at itinuro ang mahabang mesa, saka kumuha ng tatlong platito at nilagyan ng tig-isang praso bawat flavour ng ginawa niyang cake at dinala sa harap ng mga kaibigan niya.

"Hep!" awat ni Jackson nang mauunang tumusok si Dave. "Fck off, dude, I'm the B—hey!"

Walang pakundangang tumusok si Jacque at siyang unang tumikim, binalewala ang masamang tingin ng kapatid nito. "Mm, it's good. Tama lang ang tamis at hindi nakakasawa sa bibig."

Every Beat of my F-ckin HeartWhere stories live. Discover now