EBOMFH2: Shocked

17 0 0
                                    


EBOMFH2: Shocked

"Nia!" masiglang turan ni Madeline at tumayo upang salubungin ang kaibigan niya. "Kailan ka pa dumating?"

"Kadarating ko lang galing airport, dumiretso na ako dito kasi may gusto akong sabihin. Mabuti naman at nandito ang lahat," nakangiting sabi ni Nia sa kanya at niyakap siya. "God, I've missed you, Madel."

Gumanti siya ng yakap dito. "I've missed you too. Dapat nagsabi ka na parating ka para sana nakapaghanda ako."

Sininghalan siya nito ng tawa at sabay silang naglakad papunta sa mga kaibigan nila.

Pagkatapos nilang grumdweyt sa kolehiyo ay talagang nagulat sila nang biglang dumating si Nia sa Cool Bratz. Marami ang natakot at ang iba ay halos itulak ito paalis ngunit nanaig pa rin sa kanya ang pagiging magkaibigan nila kaya pinakinggan niya. Alam niya nang mga oras na iyon na ibang-iba na ang kaharap nilang Nia at napatunayan niya iyon nang bigla na lang itong lumuhod sa harap nila at bumunghalit ng iyak saka humingi ng tawad sa ginawa nito sa kanila.

Nang una ay ayaw maniwala nina Dina at Jacque ngunit dahil na rin sa pamimilit niya at pang-aassure na nagbago na nga talaga si Nia ay binigyan nila ito ng chance, nalungkot ito at nagalit nang mapag-alaman ang ginawa sa kanya ni Jeru ngunit nang panahon na iyon ay hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin dito kaya hindi na lang siya kumibo.

Hanggang ngayon naman ay hindi niya pa rin alam kung ano talaga ang totoong nangyari sa pagitan nila ni Jeru. Hanggang ngayon ay wala siyang balita dito at pinakiusapan niya rin ang mga kaibigan niya na hayaan na lang nila si Jeru, it was his decision and her choice not to chase him and asked for an explination.

"What did you just say earlier? Magpapakasal ka na?" tanong ni Dina matapos makipagbeso kay Nia.

"May nagkamaling pakasalan ka?" nakangising pang-aasar naman ni Jacque.

Umirap si Nia. "Duh! Of course!" sagot nito kay Jacque saka maarteng ipinakita ang kamay nitong may engagement ring. "This is real, just like yours, Jacque. Ang pinagkaiba lang, balak na naming magpakasal next month," nakangising wika pa nito.

Sabay-sabay naman ang panlalaki ng mga mata nila at tiningnan ang singsing na nasa daliri ni Nia.

"Talagang papakasalan ka ng mokong na iyon?" gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Jackson.

"Yup!" nakangiting sabi ng isa pang tinig. Pagtingin nila ay nakita nila si Nichollo na nakangiting papalapit sa kanila. "Wala eh, nadale na," natatawa nitong turan at lumapit kay Nia.

"At least, hindi mo tinakbuhan," nakangiting sabi niya. "I'm happy for the both of you."

"This calls for a celebration!" ani Jackson. "At dahil diyan, I'll give you thirty percent discount sa oorder-in niyo today!"

"Akala ko naman manlilibre ka na," naiiling na wika ni Nichollo.

"Dude, business is business," nakangising sabi naman ni Jackson saka tumawa ng malakas.

"Huwag niyong intindihin iyan, I'll treat you today," sabi naman ni Jacque. We'll celebrate tonight."

"Mm, I'll call Troy and Theo, alam kong free ang buong linggo ni Troy ngayon," sabi naman ni Dave at kinuha na ang cellphone nito. Nagpaalam ito saglit sa kanila habang ang ibang lalaki naman sa grupo nila ay naghanap ng puwesto at pinagdikit-dikit ang apat na mesa para sa kanila.

Nang maiwan sila ay binigyan niya rin ng isang slice si Nia ng bagong gawa niyang cake.

"I heard your conversation a while ago. Aasa ako sa mga sinabi niyo kanina, ah," nakangiting wika ni Nia.

Every Beat of my F-ckin HeartWhere stories live. Discover now