Chapter 6

0 0 0
                                    

                           
                            Roselle

Siguro ay balak na talaga nitong babaitang 'to na mag-gala dahil nakapang-alis na talaga ang suot niya nang pumunta sa bahay. Prepared na para umalis.

Bago kami umalis ay nag-message muna ako kay mama gaya ng bilin niya sakin kanina.

"Doon tayo sa Arcade!" Pag-aaya ni Remmy sa kin sabay hila sa palapulsuhan ko. Kung makapaglaro kala mo bata eh. Nagpadala na lang din ako dahil gusto ko rin i-try.

"Pahingi tatlong token, magta-try rin ako." Sabi ko sa kaniya nang makarating sa tapat ng mga nakahilerang claw machines. Agad din naman niya akong binigyan kaya naman naglaro na kami. Magkatabing claw machines ang tinry namin.

"Ang daya talaga!"


"Ay, ano ba yan."


Reklamo naming parehas ni Remmy nang parehong hindi nashoot ang mga teady bears dahil nadulas ito.

Tumingin naman ako sa kaliwa't kanan para tignan ang iba pang laman ng iba't ibang claw machines. Kaya nagpaalam muna ako kay Remmy para magpunta sa ibang machines.

"Try ko lang sa kabila ah" paalam ko sa kaniya.

"Okay, okay!" sabi nito habang tumatango tango pa, binigyan niya ulit ako ng tatlong token pero nasa claw machine pa rin ang tingin. Seryoso talaga siya.

Naglakad na ako papunta sa kaliwang bahagi ng mga claw machines at nakitang may iba't iba pa palang laman ang mga nandito.

Huminto ako sa may tapat ng isang machine. Napatakip ako ng bibig. Kuminang agad ang mga mata ko at ipit na napatili dahil ang cute ng mga plushies! Cute na mga penguin na may kulay na blue ang ang nasa loob! So cute!

Hindi na ako nagsayang ng oras at naghulog na agad ng isang token at nagsimula na. Sana makakuha ako, please!

"Ay!" unang try ko ay nadulas ang bakal na pangkuha sa plushy. Ano ba yan!


"Go, go, go.." sabi ko habang papunta na ang pangkuha na bakal kung saan naroon ang isang plushy. Tatalon na sana ako dahil malapit na ito, pero halos pagsakluban ako ng langit at lupa nang dumulas ito sa pagkakahawak ng bakal.

Pangatlong try ay inayos ko na ang sarili ko dahil gusto ko talagang makakuha nito. Mahal kase ito kung bibili ako sa isang Japanese store.


Dinahan-dahan ko ang pagcocontrol sa bakal na pangkuha para siguradong makukuha nito ang tina-target ko. Pigil hininga naman ako nang makuha na nito ang isang plushy at dahan-dahan ko nang cino-control papunta sa butas kung saan ilalaglag ito. Ngunit hindi pa man nakakarating sa butas ay nadulas ulit ito! Huhuhuhu, wala na.

Bumagsak ang balikat ko at malungkot na lang na napatitig sa mga cute na penguin. May susunod pa naman, baka sa susunod makuha ko na.

Nabigla naman ako nang may tumikhim sa likod ko. Shocks! Baka kanina pa may nag aantay na maglalaro rin, kaso ang tagal ko!


Tahimik naman akong gumilid nang hindi lumilingon sa taong iyon dahil nakakahiya.


"Let me try."

Naglapit naman ang dalawang kilay ko nang marinig ang boses na 'yon. Kaya't dahan dahan akong lumingon sa taong nagsalita.


Si President.

Nakasuot siya ng polo shirt na nakatuck in sa black pants. Napansin ko ring naka suot pa siya ng id. May pasok ba sila? Oh baka naman President duties.


First RoseWhere stories live. Discover now