Chapter 5

4 0 0
                                    

                            Roselle



Nang makalabas sa school ay bigla namang nagyaya ang mga baklita na pumunta munang Z-park dahil maaga pa naman daw.

Habang naglalakad papuntang park ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman agad dahil baka si mama ang tumatawag.

At di nga 'ko nagkamali, si mama nga. Kaya't agad kong sinagot. Tumigil naman sila Remmy sa paglalakad nang mapansin ako, pero sinenyasan ko sila na tumuloy lang sa paglalakad habang ako ay bahagyang tumigil. Tumango naman sila bilang tugon.

"Hello, ma?" sagot ko sa kabilang linya.

["Hello, 'nak? Uwian niyo na ba?"] sagot ni mama sa kanilang linya.

"Opo ma, kakatapos lang kase ng event eh, Bakit ka pala napatawag ma?" Tanong ko sa kaniya dahil lagi lang naman siyang nag-me-message sa akin kung may itatanong or mangangamusta.

["Ahh, okay! Mabuti naman kung ganon. Pauwi na rin ako, 'nak. Papaunahin lang sana kitang umuwi kase nando'n na raw yung inorder kong mga damit natin para sa pupuntahan natin next week."] mahabang paliwanag ni mama.

"Ahh, ganon po ba, ma. Sige po ma, pauwi na po ako. Magpapaalam lang ako kay Remmy."


["Okay, anak. Thank you! Ingat!"]

Pagtapos ibaba ni mama ang tawag ay tumakbo ako papunta kila Remmy.

"Remmy!" sigaw ko para makuha ang atensyon nilang tatlo.

Narinig naman nila ako kaagad kaya't naglakad na rin sila papalapit sa akin.

"Oh, Bakit?" Tanong ni Remmy sa'kin.

"Mauuna na 'kong umuwi, tinawagan ako ni mama eh. Next time na lang tayo mag Z-park!" paalam ko sa kanila.


"Ay, ganon? sige, sige. Next time ha!" sabi ni Remmy. Habang ang dalawang baklita naman ay nasa likod niya na mukhang nalulungkot pa ang mga itsura habang nag "uhh". Bwisit talaga 'tong mga 'to! Kaya walang araw na hindi ako masaya eh!

Pagkatapos magpaalam ay naglakad na ako pabalik para pumunta sa sakayan ng jeep.

Habang naglalakad ako sa kahabaan ng side walk ay hindi naman ako nag-iisa dahil marami pang estudyante ang naglalakad, siguro ay papunta rin sa sakayan o di kaya'y sa convenient store sa tawid sa tapat ng sakayan.

Habang mag-isa akong naglalakad, may grupo naman ng magbabarkada ang nasa likuran ko. Naririnig ko rin kase ang mga biruan at tawanan nila habang naglalakad. At ang dalawa ay naghahabulan pa.

Maya maya pa ay nasagi ang ng isa sa kanila dahil sa tumatakbo ito. Kaya't mabilis naman akong nilapitan ng iba pa nilang kaibigan para mag-sorry sa akin. Pinalibutan pa talaga nila 'ko.


"Ate, sorry po!"


"Eto kase eh, di magdahan-dahan!"


"Ate, hindi na po mauulit, sorry po!"


"Pasensya na sa kaibigan ko, ate!"

Sabay sabay na paghingi ng pasensya nila, kaya't hindi ko alam ang gagawin ko!


"Okay lang ako!" sigaw ko dahil hindi ko alam kung pano sila patitigilin. Natahimik naman sila.

"Mag iingat na lang kayo sa susunod." sabi ko bago magpatuloy sa paglalakad. Napabuntong hininga naman ako nang marinig ko pa silang nang hingi ng sorry bago ako makalayo sa kanila, pero maya maya ay nagsi-hagikgikan na ulit sila. Hayss.


First RoseWhere stories live. Discover now