Chapter 16 - Solace

143 19 3
                                    

CHAPTER 16

SOLACE


Lana's POV


After every storm, a rainbow appears.

I'm glad I put up with the rain,

because at the end of it,

I discovered gold.

It was your heart beating for me.


Inalis ko ang pagkakaakbay sa akin ni Kiel at nilapitan si Eloise. She immediately hugged me.

"I miss you, Lana! It's so good to see you again!"

I pulled out of the hug to smile at her. May suot siyang pink na headband at pearl earrings. Ayos na ayos rin ang winged eyeliner niya.


"Himala, nagawi kayo rito. Anong meron?"

"Nagaalala kasi kami sa'yo kaya ito, dumalaw kami. Emma couldn't join us, as well as Rylan and Liam. May mga prior appointments kasi sila. But they want you to know that they also wish you well. Nandito lang kaming lahat para sa'yo, Lana."


I was extremely touched to hear those words from her. Kung sino pang mga hindi ko gaano kakilala, sila pa talaga ang nagpaparamdam sa akin na mahalaga ako.


I hugged her again, happy that she had gone here. "Thank you."

Bigla na lang may nag-fake cough kaya napalingon kami doon. Hala! Nalimutan ko na si Felix!


"Eloise, bestfriend ko nga pala. Si Felix."

"Hi!" masiglang bati niya bago ako hinarap ulit. "Do you have plans for the night?"

"Wala naman akong work. Day off ko ngayon. Magtatrabaho kasi ako ng sabado at linggo."

"You work? Why? But you're still like...so young pa."


Tumawa lang ako at nagkibit balikat. Wala e, kailangang kumayod para mabuhay...


"Anyway, it's good that you're free. Mag-early dinner tayo! Hindi pa kasi kami nagme-merienda and I'm so hungry na. Felix, sama ka na rin!"

Halata sa itsura ng bestfriend ko na gusto niyang umayaw, pero dahil sa nahila na ako ni Eloise ay wala na siyang nagawa. Hindi niya rin naman ako maiiwanang magisa lalo na't hindi niya pa gaano kakilala sila Eloise. He also still doesn't trust the Duo.


"Hi Cilla," I greeted her. She nodded and went straight to Kiel's car. Doon naman kami ni Felix sumakay sa kotse ni Tyler.


"Lana, is it true that your classmates are bullying you?" Eloise couldn't help but ask. Nilingon niya pa kami.


"Not just her classmates but almost everyone," Felix mumbled.

"That's mean." She frowned. "Alam mo ba Lana, nagalit pa nga ako kay Kiel kasi hindi siya nagkukwento sa amin. Nahuli ko lang siya no'ng narinig kong may kausap siya sa phone. Tinatanong niya kung kumusta ka na at kung ayos lang ba ang lagay mo sa school. Of course, nagduda ako dahil hindi naman siya mangangamusta kung walang problema."

Once Upon A Lie (Elite Boys 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon