Chapter 15

36.3K 2K 4.5K
                                    

Opposite

"Ganito ba 'tong kapatid mo?" reklamo ko habang nakatingin sa screen ng aking phone.

"Alin? Kung bading? Oo. Tagal nang ganyan 'yan," ani Rio.

Nilingon ko siya at medyo naasiwa sa sinabi niya pero nasa pizza ang atensyon niya at talagang masigla siyang kumakain. Kumalma ako at humalukipkip sa sofa.

"Bakit ba naging ganyan 'yang kapatid mo? Ano? Bata pa lang..."

Binuksan niya ang mountain dew at uminom. Tiningnan ko ang pizza na kanina, sa bilang ko, limang slice. Ngayon, dalawa nalang. Gano'n siya ka bilis kumain.

"Ang alam ko lang, bata pa si kuya, kinder, pinapabaunan daw ni mama ng polbo para sa likod niya kasi mahilig siyang maglaro at mabilis mamawis. Kaso si kuya, sa halip na gamitin sa likod, ginagamit daw sa mukha."

I slightly laughed. Gago. Dahil lang pinapabaunan siya ng polbo? I watched him pick up the last slice of pizza until he realized I was beside him and that he had stopped. Tumingin pa siya sa akin kaya umiling ako.

"Sa'yo na. Magluluto na rin ako ng dinner. Dito kana kumain. Baka matagal pa 'yung kapatid mo." Saka ako tumayo at nagtungo na sa kitchen sink.

"Nakakahiya pero sige... Sarapan mo ah?" At nagrequest pa. Lasunin ko siya eh.

"Paghuhugasin kita ng plato," biro ko.

"Ayos lang. Marunong ako. Bunso eh. Ako lagi naghuhugas sa bahay." Kibit-balikat niya.

Nailing ako at lumapit sa computer ko para i-on iyon nang may magawa siya.

"Gamitin mo 'to. May online games ako diyan. I log out mo lang ang account ko kung may account ka," sabi ko at sinenyasan siyang lumapit.

Mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin. Nakayuko kong itinaype ang password ng computer ko hanggang bumukas iyon. Inukupa niya ang gaming chair ko saka ko inilahad ang headphone sa kanya.

"Liligawan mo siguro si kuya kaya ang bait mo..." At nandiyan na naman siya sa mga hinala niya.

"Tss. Maganda ang type ko. Babae. Kita mo 'yan?" Itinuro ko ang wallpaper screen ng computer ko. "Ganyan."

"Si Avril Lavigne? Ang korni mo naman," sita niya at ngumiwi sa akin.

"Anong korni? Mahilig ako sa rock music. Crush na crush ko 'yan since high school. Dream girl."

Mas lalo siyang ngumiwi at pinindot ang madalas kong laruin. Pinagmasdan ko siyang i log in ang account niya.

"Si Kuya mahilig sa The Script...Doon yata siya lalong bumading. Crush niya 'yung vocalist."

Alin doon? 'Yung kalbo? Aba...

Tumunog ulit ang phone ko kaya tiningnan ko. It was a call from him. Sinagot ko iyon habang nasa computer na ang atensyon ni Rio.

"Oh? Buti naman at—"

"Ibigay mo kay Rio," agap niya.

Ang bossy. Tss. Ibinigay ko ang phone kay Rio na pinindot niya lang ang loudspeak at inilagay sa gilid ng keyboard habang inaasikaso ang game na pinindot niya.

"Rio?" marahan niyang tawag sa kapatid, malayong malayo sa tigas ng boses niya sa akin.

Napatingin ako sa screen ng phone ko.

"O kuya?" si Rio na abala pa sa computer at nakasukbit na sa leeg ang headphone. Gusto ko sanang batukan at asikasuhin muna ang tawag pero baka ako pa ang mapasama. Hindi ko nga pala kapatid 'yan para pag-buhatan ng kamay.

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon