Chapter 9

41K 1.5K 1.2K
                                    

Trigger Warning: Physical abuse

Reason

Naging magaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Oo, magaan naman ang loob ko sa boys dahil hindi ako inaasar sa mga bakla o ginagawang katatawanan 'yung nangyari sa akin. Pero iba itong si Shiloh...

Naguilty din ako. Nag-eexplain siya dahil akala niya, hindi ako komportable sa kanya lalo na't sensitibo ako sa mga bakla. Oo, medyo pinagdudahan ko nga si Shiloh, pero pagkatapos ng gabing ito, hindi na iyon mahalaga sa akin.

I am not a bully. Ayokong naiisip niya na katulad lamang ako noong tumutukso sa kanya sa dati niyang school.

"Komportable ka naman sa akin?" tanong ko nang bumalik kami sa loob ng District One dahil sabi niya, hindi niya pa nauubos ang kanyang pagkain at nasasayangan siya.

He nodded. "Oo."

"Talaga? Eh kay Brent? Baka hindi kana pala komportable sa isang 'yon? Hahanapan kita ng pwedeng lilipatan. O doon ka rin sa Green Residences. Maganda naman doon. Bukod sa nasa Taft Avenue lang at malapit sa school, magkapitbahay pa tayo. Medyo kamahalan nga lang."

"Ayos lang. May sarili naman akong kuwarto sa condo ni Brent."

"Komportable ka sa kanya?" ulit ko.

Tumitig siya sa akin. Seryoso ko siyang tiningnan. Kung umiling 'to lagot itong si Brent—

Tumango agad siya. "Oo. Close kasi ang parents namin."

Kumalma ako. He's safe. Kilala ko naman 'yan si Brent since grade school. Oo gago sa babae pero hindi 'yan naiissue na nananakit o may nakakaaway na lalaki. Puro girls lang ang issue niyan dahil sa kakapalan ng mukha niyang iparada 'yang kalandian niya at inisa-isa pa ang mga artist students.

I suddenly feel the urge to protect him. Ewan ko kung ano ang magagawa ko kung may nambastos dito kay Shiloh. Subukan lang nila...

"Bakit sila naghiwalay?" usisa ko nang pauwi na kami ni Shiloh at nasa taxi na. Ihahatid ko nga lang muna siya dahil hindi pa naman nito kabisado masyado ang Maynila at baka mapano.

Nasa kandungan niya ang take-out na pagkain. Akala ko kay Brent, kaso para daw sa kanya. Mabait itong si Shiloh pero ewan ko at para silang aso't pusa ni Brent. Roommate pa naman sana at close ang kanilang parents pero hindi yata nagkakasundo ang dalawa.

Gaano ba ka laki ang away nila at ang iinit ng ulo nila sa isa't isa? Ito din naman kasing si Brent, alam niyang pikon na nga si Shiloh sa kanya, aasarin niya pa!

"Ang sabi niya lang, hiniwalayan siya." He shrugged and looked away.

Hiniwalayan? Akala ko siya ang nakipaghiwalay?

"Makonsensya ka," parinig ni Shiloh kaya namilog ang mga mata ko.

"Kasalanan ko ba 'yon? Kasali ba ako sa relasyon nila para makonsensya ako?"

"Oo nga. Hindi ka kasali pero sinasabi mong hinuhuthutan ni Arron si Denver. Para kang nakisali."

Humalukipkip ako at sumandal sa upuan, tiningnan ang masiglang kinang ng mga ilaw sa malalaking building sa labas ng bintana.

"At alam mo ba ang sabi niya?" Muli kong baling kay Shiloh sa iritadong paraan. "Hindi daw ako pogi."

"Sinabi niya na pangit ka?" His eyes widened.

"Hindi naman..." medyo huminahon ako at nag-isip isip. "Sabi niya lang, hindi ako pogi."

"O edi...pangit?" At pinagpipilitan niya talaga.

Umiling ako. "Hindi nga niya sinabi. Ang sabi niya 'Hindi naman pogi.' Hindi daw ako pogi."

He blinked twice, thinking thoroughly. Inilabas ko ang phone ko para maghanap ng ebidensyang pwedeng ipagmayabang. I opened my gallery so I could brag about my face. Nag scroll up ako sa pinaka itaas kung saan naka save ang mga old pictures ko noong mahaba pa ang buhok ko.

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon