CAPITULO 31 - Ataraxia

27.6K 1.4K 1.3K
                                    

CAPITULO 32


BBBBZZZZZ... BZZZZZZ... BBBBZZZZ...


Ingay ng mga bangaw ang gumising sa akin. Dumilat ako at ang sumalubong sa akin ay ang madilim na paligid. Napakatahimik maliban sa mga bangaw na hindi ko alam kung saan ba nagmula. 


Sa kabila ng panghihina ng buong katawan ay pinilit kong bumangon. Pinilit kong abutin ang maliit na lampshade sa aking gilid. Nang bumukas iyon ay tumambad sa aking paningin ang maliit kong kuwarto. Magulong kuwarto.


Sandali, hindi ba ako naglinis kagabi? Amoy kulob. Nakakalat ang labahin sa paligid. Malagkit ang sahig. 


Umalis ako sa kama at napasulyap sa bedside table. May mangkok roon ng panis na lugaw. Pinalilibutan iyon ng mga bangaw. Doon pala galing ang mga bangaw. Itim na itim na mga bangaw. Malalaki. Busog na busog.


Kahit nandidiri ay dinampot ko ang mangkok. Malagkit. May kaunti kasing tapon-tapon sa gilid-gilid. Tiyak kapag nalaman na naman ito ni Julian ay mapapangiwi na naman ang lalaki. Ayaw na ayaw niyon nang ganito.


Ayon sa oras sa wall clock ay 4:30 a.m. pa lang, pero ayaw ko nang bumalik sa pagtulog kaya maliligo na ako. Para din hindi na ako makipag-unahan sa banyo mamaya. Kinuha ko ang aking tuwalya.


Napakatahimik ng buong kabahayan paglabas ko. Wala ring nakabukas na mga ilaw. Pumunta ako sa banyo at naligo na agad. Matapos maligo ay nagbihis na ako ng uniform. Olive green blouse and charcoal gray pants. Sa paahan ko naman ay itim na sapatos. 


Maaga-aga pa pero umalis na agad ako papunta sa eskwelahan ng Sto. Cristo. Gusto na makarating agad dahil makulimlim at kakaiba ang lamig ng hangin, mukhang uulan. Nag-pedicab ako papasok sa school. Sa gate ay may ilan ng estudyanteng papasok. Nang makita ako ay magalang akong binati ng mga ito.


Dumaan muna ako sa faculty bago tumuloy sa Grade 12 building. Kakaunti pa lang ang estudyante dahil maaga-aga pa. Sa third floor lang ako pero hindi ko maiwasang hindi palaging mapapatigil sa hagdan paakyat pa sa huling floor. Sa fourth floor.


Ipinilig ko ang ulo at agad na binawi ang tingin, at nagpatuloy sa paglalakad. Ayokong mag-isip. Ayoko na may maalala.


Nakatayo sa tapat ng pinto ang secretary ng room, batang babae na naglalaro ang edad sa sixteen to seventeen. Hindi ko alam ang pangalan nito. Napatingin ito sa akin at magalang na ngumiti. "Good morning, Miss Ruiz."


"Good morning." Pumasok na ako sa room na naka-assign sa akin nang bumukas ang pinto. Grade 12-Diamond, ICT strand.


Nang magsimula nang magpasukan ang aking mga estudyante ay may init na lumukob sa puso ko. Sino ba ang mag-aakala? Dati ay isa lang din akong estudyante na pumapasok sa eskwelahang ito.


Isang estudyanteng wirdo na nakakakita at nakakaramdam ng kung anu-ano. Ang dami nang nangyari mula noon. At ito na ako ngayon. Isa ng teacher dito sa Sto. Cristo.


Mabagal na tumakbo ang oras, subalit hindi nakakainip. In fact, I was enjoying every second of it. Every second of this peaceful, slow life.

Beware of the Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon