Part 11

12 1 0
                                    

"Puwede ba, Anak! Tama na 'yan! Para kang ewan! Babae lang 'yon!" sermon ni Beckah kay Arvin na panay ang tungga sa alak. Kung mahahawakan lamang sana nito ang baso ay kanina pa niya ito nailayo.

"Ma, bakit gano'n?" puno ng paghihinagpis ang boses ng binatang lasing na. Kasunod niyon ay ang paglagok nitong muli sa laman ng baso. Sobrang dinadamdam niya ang nangyari kanina.

"Kapag ako nahuli dito, isinusumpa ko! Hindi kita mapapatawad, Arvin!" babala sa kanya ni Abbey kaya napilitan siyang pakawalan ito.

Alam niyang mali na hayaan niyang makatakas ang taong may ginawang mali sa batas, pero hindi naman niya maaatim na makitang hinuhuli ang babaeng mahal niya.

Wala siyang nagawa kundi ang panoorin na lang ulit kanina ang paglayo ni Abbey. Sa kamalasan, nalaman niya na nahuli pa rin ng mga kabaro niya ang dalaga.

Minsan pa ay sinalinan ni Arvin ang baso ng alak at walang anu-anong nilagok.

Napapakamot na lang ng ulo si Beckah. Ito na nga ba ang sinasabi niya.

"Huwag mo ako tanungin dahil una pa lang sinabi ko na sa 'yong tigilan mo na ang kahibangan mo sa kanya," nakahalukipkip niyang sabi.

Sa isang banda ng kanyang kalooban ay nagdidiwang siya dahil nahuli na ng mga pulis si Abbey. Hindi na niya ito problema pa. May bonus pa dahil kitang-kita pa ni Arvin ang lahat. Siguro naman ngayon ay turn off na ang kanyang anak sa babaeng iyon.

Ngunit sa isang banda pa ng kanyang kalooban ay may pag-aalala din siyang nararamdaman, paano kung hindi maka-move on si Arvin sa pagmamahal niya sa babaeng iyon?

"I still love her, 'Ma. I really love Abbey," pagdadrama pa ni Arvin na nagpa-angat ng isa niyang kilay.

"Mahal mo pa rin siya kahit nalaman mo na snatcher siya? Na magnanakaw siya at lahat-lahat na? Nababaliw ka na bang talaga, Anak?!" hindi makapaniwalang himutok niya.

Hindi na nakasagot pa ang binatang lango na sa alak dahil natumba na ang ulo nito sa mesa. Hindi na nito nakayanan ang sobrang kalasingan, palibhasa ay ngayon lang ito uminom ng alak.

"Ang puso kapag tumibok ay hindi mo kailanman mapipigilan, Beckah," biglaw litaw na si Anghel Mainne sa kanyang tabi.

"Mapipigilan ko dahil anak ko 'yan. Gagawin ko ang lahat para sa kanyang kapakanan."

"Hanggang kailan mo ba balak maging kontrabida sa kaligayahan ng iyong anak, Beckah? Mahal niya si Abbey. Kailan mo matatanggap na si Abbey lamang ang makakapagpaligaya sa kanya? Gusto mo ba ay laging ganyan ang anak mo? Naglalasing? Nasasaktan?"

Hinarap niya ang anghel. "Puwede ba, Anghel Mainne, huwag mo na akong sermonan dahil hindi naman ako ang naging kontrabida kanina. Tadhana na ang gumawa ng paraan para malaman niyang snatcher ang babaeng 'yon. Hindi ako."

Napailing-iling na lamang ang anghel sa makulit na kaluluwa. Hindi na rin talaga alam ni Anghel Mainne kung ano ang gagawin sa katigasan ng ulo ni Beckah.

"Ikaw muna ang bahala sa anak ko. May pupuntahan lang ako," mayamaya pa'y paalam ni Beckah.

"Saan ka pupunta?"

"Titingnan ko lang ang kalagayan ni Pototoy at ang lola ni Abbey."

Hindi na nakita pa ni Beckah ang ngiting sumilay sa labi ni Anghel Mainne dahil naglaho na ito nang tuluyan.

"Kahit ganoon ang iyong ina ay mas umiiral pa rin ang kabutihan sa puso niya. Huwag kang mag-alala't matatanggap din ni Beckah ang lahat," nakangiting baling ni Anghel Mainne kay Arvin na nakasubsob pa rin ang ulo sa lamesa. Ngunit halos mapatalon sa gulat ang anghel nang nag-angat ulo bigla ang binata. Natutop niya ang dibdib at napanganga. Huli na para maglaho siya dahil nakanganga na ring nakatingin sa kanya si Arvin. Tila nawala na yata ang kalasigan dahil sa mga pakpak niyang puti at damit niyang puting-puti din.

Napalunok si Anghel Mainne at animo'y nakakain siya ng maasim ang kanyang hitsura. Hindi puwede kasi na makita siya ng isang tao. Bawal na bawal iyon bilang isang anghel.

"I-ikaw ang anghel ni Mama? Does it mean you are real? Angels are real?" mayamaya ay nagawang mga tanong ni Arvin sa kanya.

Nakagat ni Anghel Mainne ang pang ibabang-labi niya.

"Sabi ko na nga ba't anghel ang laging kausap ni Mama eh, na laging nawawala kapag dumadating ako. Ikaw pala 'yon," tuwang- tuwa na saad pa ni Arvin. Sinipat-sipat nitong mabuti ang hitsura ng anghel.

Walang nagawa si Anghel Mainne kundi ang magbuntong hininga at marahang tumango bilang tugon. Hindi naman kasi siya puwedeng tumanggi dahil bawal sa katulad niya ang magsinungaling.

MY BADASS GIRL (Free)Where stories live. Discover now