PART 8

65 5 0
                                    

"Saan ba kayo galing, Ma? I've been looking for you," usisa ni Arvin sa biglang lumitaw na inang multo sa kanyang harapan.

"Diyan lang sa tabi-tabi," matipid na tugon ni Beckah sa anak, humalukipkip ito. Inihanda ang sarili, este ang kaluluwa, sa dalang rebelasyon tungkol sa babaeng hinahabol-habol nito.

"Aalis ako, Ma. Hinintay lamang kita para magpaalam," ani Arvin tapos dire-diretso na ito nang alis.

Nagulat pa si Beckah dahil lumusot na lang ang anak sa multo niyang katawan. Na para sa kanya ay isang kabastosan.

"Teka! Saan ka pupunta?! May sasabihin pa naman ako sa 'yo!" tarantang habol ni Beckah nang mahimasmasan siya.

"Hahanapin ko po si Abbey. At utang na loob, Ma, huwag na huwag niyo akong susundan!" walang lingon-lingong sagot ng binata. Nagpatuloy ito sa paglabas ng bahay.

"Hindi na kailangan dahil may sasabihin ako tungkol sa baba—" Nataranta si Beckah. Hahabulin pa sana niya ang anak para pigilan subalit biglang lumitaw si Anghel Mainne sa harapan niya at hinarangan siya.

"Hayaan mo na siya, Beckah."

"Umalis ka nga!"

Nagpatintero silang dalawa. Hindi siya hinayaan ng Anghel na makaalpas.

"Hayaan mo na ang anak mo, Beckah. Malaki na siya."

"Tumabi ka sabi! Bakit mo ba ako pinipigilan?!" singhal ni Beckah kay Anghel Mainne nang makitang malayo na ang kotse ng anak. "Alam mo bang may nalaman ako tungkol sa Abbey na 'yon? Nuknokan pala talaga siya ng sama. Dapat masabi ko kay Arvin iyon para magtigil na siya sa paghahabol sa snatcher slash magnanakaw slash kriminal na babaeng na iyon!"

"Beckah, huwag mong pakialaman ang buhay ng anak mo. Hinahayaan ka lamang ng ating Ama rito sa lupa upang gabayan ang iyong anak pero hindi ang pakialaman siya. Huwag mo sanang kakalimutan iyon, Beckah," malumanay ang boses na paalala ni Anghel Mainne sa kanya.

Malalim na buntong-hininga na lamang ang pinakawalan ni Beckah pero hindi ibig sabihin niyon ay pinakinggan niya ang paalalang iyon ng anghel. Gagawin niya pa rin ang lahat para hindi magkatuluyan si Arvin at ang Abbey na iyon. Over her dead body!

********

SA BAHAY nina Abbey.

"Kumain na ba si Lola, Pototoy?" tanong agad ni Abbey nang pagbuksan siya ng pinto ng isang batang patpatin. Pumasok ang dalaga sa barung-barong nilang tirahan.

"Opo, Ate. Nakainom na rin ng gamot si Lola," bibong sagot ni Pototoy sa kanya. Ang batang laki din sa lansangan. Gawa na iniwan ito ng magulang ay inalok ni Abbey itong tumira na lang sa kanilang maliit na bahay para may titingin sa kanyang lola kapag wala siya. At maasahan naman itong talaga. Hindi siya nagkamali sa pagkupkop dito.

"Gano'n ba. Sige ito kumain ka na rin. Pandesal at pansit 'yan. Pagtyagaan mo na lang dahil wala akong nadiskartehan kanina. Minalas ako, eh," ani Abbey sabay abot ang isang plastik sa bata.

"Salamat, Ate." Agad iyong nilantakan ni Pototoy. "Ikaw, Ate, hindi ka kakain?"

"Tapos na ako," ngumiting tugon niya kahit na ang totoo'y kumakalam na rin ang kanyang sikmura. 'Di bale at kaya pa rin naman niyang tiisin. Ang mahalaga ay mapakain niya si Pototoy at ang lola niya. Kapag busog ang dalawa ay parang busog na rin siya. Sila naman talaga ang dahilan bakit siya lumalaban pa rin sa buhay.

"Sigurado ka, Ate?"

"Oo." Ginulo niya ang tuktok ng bata. "Pagkatapos mong kumain ay matulog ka na rin. Matutulog na ako."

"Opo."

Sinilip niya muna ang kanyang Lola Ising sa isang kuwarto na kurtina lamang ang pinakadingding. Mahimbing na ngang natutulog ang matanda kaya hindi na niya inabala. Nagtungo na rin siya sa kuwarto niya. Inihiga niya agad ang pagal niyang katawan sa luma niyang kama.

MY BADASS GIRL (Free)Where stories live. Discover now