Chapter 14: Kayla, Ang Third Wheel

47 6 16
                                    

Chapter 14: Kayla, Ang Third Wheel

AGAD NANLAKI ang mga mata ni Beverly sa nabasa sa GC. Wait, papunta na nga si Pres dito?? Pero bakit??

Hindi na halos makapagproseso nang maayos ang utak ni Bevie kaya naman si Kayla na ang nag-asikaso pagdating nila sa tapat ng cashier. Sakto namang nailagay na sa paper bags — dalawang paper bag — ang mga pinamili nila nang bumalik na sa wisyo si Bev.

Kaya lang, bago pa sila makalabas ng Alfamart ay biglang napahinto sa paglalakad si Bevie. "P-Pres?" bulong niya.

Tila tumakbo pa ata ang lalake dahil pawis na pawis ito, tapos mainit pa sa labas kahit mag-aalas tres na ng hapon. Mukhang hindi rin sila kaagad nakita ni Pres at may hinahanap pa ata ito hanggang sa magtama ang mga tingin nila sa isa't isa.

Pakiramdam ni Beverly ay nakalimutan niyang huminga nang makita ang magagandang mga mata ng lalake. Sh-Shemay naman eh. Napahawak siya sa bandang dibdib niya. Ba't... Ba't parang bumibilis ata.

Pinanood naman niyang maglakad papalapit sa kanila ang lalake hanggang sa maramdaman niyang kinuha nito ang paper bag na bitbit niya. "I'll take this. Let's go," anito saka sila tinalikuran at nauna nang naglakad sa kanila.

Si Beverly naman ay nanatiling nakatitig sa likod ni Pres hanggang sa maramdaman niyang may naniniko sa braso niya.

"Dali! Go walk beside him na. It's your chance, you know?" pagtulak sa kaniya ni Kayla habang nakangiti ng hindi pang-asar. "Alam kong dati mo pa crush si Pres, very very ayaw mo lang i-entertain."

Nanlaki na naman ang mga mata ni Bevie sa narinig. "P-Paano—"

Kayla rolled her eyes. "Duh, I'm your best friend, diba?" Tinulak pa ulit siya nito, this time, may kaunti pang lakas. "Go on. Willing naman ako maging third wheel eh."

Naramdaman ni Bev ang pag-init ng pisngi niya. "Sumunod ka kaagad ha?"

Nakangising tumango naman si Kayla. "Go, go. Kunwari may bibilhin pa ako rito."

Kinuha naman ni Bevie ang paper bag na hawak nito. "Hintayin ka na lang namin sa labas, okay?" Tinanguan naman siya ng kaibigan. Naglakad na si Bev palabas ng convenience store kung saan nakita niya si Pres na naghihintay sa kanila sa labas. Nang mapansin nitong mag-isa lang siyang lumabas ay ilang nauna siyang magpaliwanag. "M-May nakalimutan lang daw siyang bilhin. Ayos lang ba na hintayin natin siya saglit?"

Tumango naman ang lalake saka walang imik na tumingin sa kalsada sa harapan nila. Akala ni Bevie ay mananatili itong tahimik kaya naman medyo nagulat pa siya nang magsalita ito. "What... did you get?"

Nagtatakang tiningnan niya ang lalake. "Ha?"

"Your snack. Anong kinuha mo?"

Ahh... "Coke lang po saka Kirei." 

Tumango naman ang lalake. "You like Kirei?"

Ilang beses napakurap si Beverly sa lalake bago sumagot. "Yes po."

Muli itong tumango saka tumingin sa kaniya. "After this... Do you plan to do something?"

And yes, napakurap na naman ng ilang beses at mabilis si Beverly. "H-Ha?"

Nag-iwas ng tingin ang lalake. "Nothing."

Sakto namang lumabas na ng Alfamart si Kayla saka nakangiting tumingin sa kanila. "Let's go na. Sorry to keep you, guys, waiting." Nauna na itong maglakad sa kanila, pero hindi nakalimutan ng babae na tingnan siya nang makahulugan.

Tahimik naman, pero magkatabi, na sumunod sa paglalakad sina Bevie at Tonny. Damang-dama ang awkward atmosphere na bumabalot sa dalawa pero pareho naman silang natutuwa na magkatabi silang naglalakad.

Pero tama si Kay, hindi ko na dapat 'to palampasin. "Pres?"

Mabilis siyang nilingon ng lalake. "Yes?"

P-Pero anong sasabihin ko? Ba't ko siya tinawag? "A-Ano..." Think, Bevie. Think. "Ba't mo gusto ang Clover?" Halos tampalin ni Beverly ang sarili nang lumabas ang tanong na iyon sa bibig niya.

Napakurap naman ang lalake saka may munting ngiti na namuo sa mga labi nito. Cute, ang tanging salitang naisip ng lalake habang nakatingin kay Beverly. "It tastes good. You should try it some time."

Nakabawi naman si Bevie sa pagsaway sa sarili niya saka tumingin kay Pres. "S-Sige. Try ko next time."

Muling napangiti ang lalake. "You can taste mine later."

Parehong natigilan ang dalawa at sabay na nag-iwas ng tingin habang namumula ang mga mukha. Mukhang iba ang pagkakaintindi nilang dalawa sa inosenteng sinabi ni Tonny.

Si Kayla naman na hindi maiwasang marinig ang usapan ng dalawa ay hindi napigilang matawa nang malakas nang dahil sa narinig. Naluluha-luha pa tuloy ito hanggang sa makabalik sila sa bahay nila Tonny, habang ang dalawang nasa likuran niya ay hindi na muling umimik pa.

Wrong Send, Pres! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon