Chapter 10: Ang Pagsundo

59 6 14
                                    


Chapter 10: Ang Pagsundo


HINDI MAPAKALI si Beverly sa pagpili ng susuotin niyang damit para sa araw na iyon. Puro t-shirt at pantalon lang din naman ang mga damit niya dahil hindi niya talaga ugaling magdamit pambabae. Mas pipiliin niya pa ang mga pormang komportable kesa sa paganda.

Sa huli ay kinuha na lamang niya ang gray niyang t-shirt saka maong niyang pantalon. Kumuha na rin siya ng black socks at gray na panyo bago ibinato ang mga iyon sa kama niya.

Hinubad naman na ni Bevie ang dalawang twalya, isa sa ulo at isa sa katawan, saka dali-daling sinuot ang isang pares ng underwear niya. Akmang isusuot niya ang t-shirt niya nang biglang tumunog ang telepono niyang nakapatong sa bedside drawer niya. "Hello?" aniya sa kabilang linya matapos niyang ilagay sa loudspeaker ang tawag.

"Bevie, lumabas na ng house niya si Pres," pagbabalita sa kaniya ni Kayla na siyang mas nagpabilis ng kilos ng dalaga.

Ibinato niya sa kama ang telepono saka isinuot ang t-shirt at ang medyas. "Kakailanganin ko pa bang mag-makeup?"

"Nakapagpatuyo ka na ba ng hair?" Kaagad na napatingin si Bevie sa full-size mirror niya at napansing magulo ang basa niyang buhok.

"Shoot." Dali-dali niyang hinanap ang blower niya saka isinaksak at ginamit kasabay ng pagsusuklay niya ng buhok. "Ugh! Andami namang kailangang gawin!" reklamo niyang nagpatawa sa kaibigan niya.

"I told you naman kasi to start two hours before the sundo time eh." 

Kahit gustuhin ni Bevie na samaan ng tingin ang cellphone niya ay tila walang oras na para doon kaya ipinagpatuloy niya na lang ang pagpapatuyo ng buhok habang nananalangin na bumilis ang proseso noon. Or at least, ma-traffic muna si Pres.

"By the way, mag-aayos na rin ako kaya good luck sa 'yo, Bevie."

"Bye," ang tanging nasabi ni Bev saka niya narinig na namatay na ang tawag.

Doble-doble ang bilis ng pagsusuklay niya, hoping na bumilis din ang pagtuyo noon. After sometime, at medyo tuyo pa lang ang buhok niya, ay narinig niya na naman ang pagtunog ng cellphone niya.

It was her messenger app and someone was indeed calling. Pres... Pinatay ni Bevie ang blower saka huminga nang malalim bago sinagot ang tawag. "Pres?" Ito ang unang beses na mag-uusap sila through call, kaya naman laking pasasalamat ni Bev na hindi siya nautal.

Ilang segundo naman ang binilang bago nagsalita ang nasa kabilang linya. "Sanchez," anito sa gwapong boses. Oo, gwapo talaga eh, boses pa lang. 

"Bakit po?"

"I'm outside your house."

Agad nanlaki ang mga mata ni Beverly saka hindi sadyang napalakas ang boses at napataas ng tono. "Agad?!"

Hindi tuloy naiwasan ng lalake na saglit ilayo ang cellphone nito sa tenga, bago ito muling ibinalik sa dating pwesto. "Yes. Do you still need more time? I'm willing to wait—"

"Hindi! B-Bababa na ako." Inipit ni Beverly ang cellphone sa pagitan ng tenga niya at ng balikat saka nagmamadaling isinuot ang rubber shoes niya. Tinanggal niya lang sa pagkakasaksak ang blower niya saka kinuha ang relo, bag, at panali sa buhok niya sa study table niya at lumabas ng kwarto. "Ito na po. Lalabas na. Sorry, Pres."

"No sweat. Take your time," kalmadong wika nito. Mainit sa labas pero hindi naman lumabas ang lalake mula sa kotse nito kaya naman malamig pa rin ang pakiramdam nito. "Baka madapa ka pa kapag nagmadali ka."

Saglit na natigilan si Bevie saka mahinang natawa bago dumiretso sa sala nila at lumabas na ng bahay. "Yes po, Pres." Nang masigurong naka-lock na ang pinto ay tumalikod na siya saka nakita ang itim na kotseng naghihintay sa tapat ng gate nila. "Kita na kita, Pres. Ibababa ko na 'tong tawag."

"Okay, take care," wala sa sariling sabi nito nang makita ang babae na papalabas na ng gate.

Napangiti naman si Beverly doon saka pinatay ang tawag bago inilagay iyon sa bulsa ng pantalon niya. Lumabas na rin siya ng gate saka ni-lock iyon bago hinarap ang kotse, kaya lang nang lumingon siya ay ang lalake ang bumungad sa kaniya.

Tila nahigit ni Beverly ang hininga saka ilang beses napakurap bago nakakuha ng lakas ng loob na iangat ang tingin sa mga mata ng presidente nila.

"P-Pres..."

Tinanguan lamang siya ng lalake bago ito nagsalita. "Let's go?" anito habang nakatitig din sa mga mata niya at hindi gumalaw sa kinatatayuan nito.

Ilang beses pang napakurap si Beverly bago siya napatikhim at pilit na ngumiti. "S-Sige, Pres."

Kahit naman sumagot na siya ay nanatili pa rin naman silang dalawa na nagtititigan at nakatayo sa tirik na tirik na araw sa labas ng bahay nila Bevie.

Pinilit ni Beverly na alisin ang nararamdamang kung ano habang titig na titig pa rin sa kaniya ang lalake saka naglakas ng loob na tumikhim muli. "A-Alis na tayo, Pres?"

Para namang doon lang napansin ng lalake ang kanina pa nitong pagtitig at umiwas naman na ng tingin saka tumalikod sa kaniya para ipagbukas siya ng pinto ng kotse. "Let's go."

Nagbaba naman ng tingin si Beverly saka naglakad papasok ng kotse at paupo sa backseat. Hindi niya naman napigilang mapangiti nang maalala ang pagtitig sa kaniya ng presidente nila.

Nang maisara nito ang pinto ay saka niya lang napansin na may driver pala sa kotse at sa backseat pumwesto ang presidente nila, sa tabi niya.

T-Teka... So nakita nung driver yung tagal ng pagtitig namin sa isa't isa??? Biglang nakaramdam ng hiya si Beverly saka namula ang mukha. Nakakahiya talaga!!

Wrong Send, Pres! [COMPLETED]Where stories live. Discover now