Chapter 2: The Calm Before the Storm

113 10 2
                                    


Chapter 2: The Calm Before the Storm


BUSY si Beverly sa panonood ng latest episode ng Demon Slayer sa Netflix. Kau-update lang din kasi kaya naman walang-wala siyang planong palampasin iyon. Isa pa, malapit nang matapos ang second quarter nila. Para kay Bevie ay may isang linggong pahinga isa bago ang susunod na quarter kaya naman lulubusin na niya sa panonood ng anime at pagbabasa ng manga.

"Ayy!!" Sunod-sunod ang lumabas na mura sa bibig ng dalaga nang matapos ang episode na pinapanood niya. Nang hindi pa ma-satisfy ay agad niyang kinuha ang cellphone niyang naka-Do Not Disturb Mode at nagmamadaling binuksan ang Twitter niya.

 Nang hindi pa ma-satisfy ay agad niyang kinuha ang cellphone niyang naka-Do Not Disturb Mode at nagmamadaling binuksan ang Twitter niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang makakalma ay saka siya dumiretso sa browser para basahin ang latest update ng manga na ilang linggo na rin niyang binabasa. Akmang bababaan niya ang brightness ng phone niya nang makita niya ang sunod-sunod na message sa kaniya ng best friend niyang si Kayla.

"Ano na naman bang trip ng babaeng 'to?" Nagtuloy-tuloy lang siya sa pakikipag-chat sa babae hanggang sa banggitin nito ang tungkol sa PowerPoint presentation na kailangang ipasa sa class president nila. Ito kasi ang inutusan ni Sir Franco nila na mag-compile ng files para isahang pasahan na lang ang magaganap.

Agad namang napatingin si Bevie sa oras sa phone niya saka na-realize ang oras ng pasahan. Siraulong babae 'yon. Mamadaliin pa ako eh andami pang oras.

Napahagikgik naman si Bevie nang mabasa ang sumunod nitong chat. "Ay kaya naman pala. Pa-good student kuno kay Sir Franco." Napailing na lamang si Beverly.

Matagal na kasing may gusto si Kayla kay Franco na siyang third year college sa pinapasukang university nila Bev. Nasaktong naatasan ang lalake na maging student-teacher sa section nila kaya naman kandaugaga ang loka niyang best friend.

Pinili na lamang ni Beverly na magpaalam na kay Kayla kahit pa ilang beses itong tumawag ay hindi niya sinagot. Muli na lamang humiga si Bev sa kama niya saka nagsimulang magbasa ng manga.

Saktong nasa intense part na siya ng kwento nang may mag-pop up na chat head at tinatanong ang tungkol sa PowerPoint. Sa sobrang gigil ni Bev kay Kayla ay napabangon siya sa kama saka binuksan ang chats para murahin ang kaibigan.

Nang matapos siyang mag-send ng message ay saka lang kumalma ang dalaga saka nanlalaki ang mga matang napatitig sa pangalan at icon ng chinat niya. Nanghihinang nabitawan ni Bev ang phone niya saka napatakip ng bibig. "Hala sheet."

Wrong Send, Pres! [COMPLETED]Where stories live. Discover now