Ikatlong Kabanata

14 0 0
                                    

Ikatlong Kabanata

Hindi pa rin makapaniwala si Eya sa kaniyang nakikita ngayon, na nandito sa harapan niya ang kaniyang kakabata na si Lyndon.

Pasimple niya ito pinagkatitigan habang kasuwal naman itong nakahilig sa silya.

Nakasuot ito ng brown slacks at puting polo-shirt. "Grabe! Titig na titig lang, 'yang? Ngayon ka lang ba ulit nakakita ng guwapong lalaki sa harap mo?" mahangin nitong turan.

Inirapan niya ito. "Kahit kailan talaga, hindi ka pa rin nagbabago! Ang hangin mo pa rin pala hanggang ngayon, 'no?!" nanunuyang sambit niya.

Mahina namang natawa si Lyndon. "Ang dami mo na talagang pinagbago, 'yang! Noong mga bata pa tayo, dugyot ka lang, eh! Tapos ngayon, akalain mo, may sarili ka ng Coffee Shop!" manghang bulalas ng lalaki.

Umiling-iling naman siya. "Ikaw, kamusta ka naman ba? Balita ko ay ikaw na raw ang nag ma-manage ng company ng dad mo?"

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Eya na nakauwi na dito sa Bansa ang pamilya ni Arthur dahil nga close na magkaibigan ang mga nanay nila.

Pero hindi lang talaga niya akalaing mag-papang-abot sila dito sa Isabela. Kaya naman kating-kati na siyang tanungin kung ano ba ang ginagawa ng lalaki dito at bakit sa lahat ng lugar sa Pilipinas ay dito pa ito napadpad?

At paanong natunton nito ang Coffee Shop niya? Anong nangyari, sa loob ng higit kumulang 13 taong hindi sila nagkita o nagkausap manlang ay bigla nalang itong lilitaw ngayon sa harap niya?

Kay liit naman yata ng mundo?

"'Eto, I'm still pissed!" bored niyang sambit.

"Bakit naman?" Lumalim ang kunot-noo ni Eya. Ano naman ang ikina-iirita nito?

"Work."

Nakakaintinding tumango naman siya. "Ah. . . Kaya naman pala . . nga pala, bakit napadpad ka dito sa Isabela? Tsaka paano mo nalamang nandito ang Coffee Shop ko?" takang tanong niya.

Ngumisi naman ang lalaki. "Well, para sa una mong tanong, gusto ko lang naman maka-langhap ng sariwang hangin. And for the second one, I have my ways, 'yang."

Napapantastikuhang pinagkatitigan niya ito. "Bakit may pa 'I have my ways' ka pang nalalaman, eh, puwede mo namang sabihin. Akala mo naman aanuhin talaga kita kapag nalaman ko!" naiirita niyang sabi.

Mahinang natawa si Lyndon dahil doon.

"Kalma, 'yang! Mag o-order nalang ako ng kape, okay?" putol ni Lyndon sa pag ta-tantrums niya.

Sinimangutan niya naman ang isa. "Mabuti pa nga, at nang may maging ambag ka naman kahit kaunti dito sa Coffee Shop ko. Hindi 'yung pupunta ka lang dito para tumambay! FYI, hindi po tambayan ang Coffee Shop namin, mr. Lyndon Guirrera!" aniya at pabalang na tumayo.

Alam naman kasi niyang hindi magagalit ang lalaki sa kaniya. Kababata niya naman ito at may atraso pa ito sa kaniya dahil simula nang umalis sila papuntang ibang bansa para doon manirahan ay kinalimutan siya nito.

"Kapeng Barako nalang."

Ni tawag or text ay hindi niya manlang na recieve galing dito. Kaya naman sumasama pa rin ang loob niya.

Nakabusangot siyang pumunta sa counter at lumapit ay Rhian. "Rhi, isang order ng Kapeng Barako para sa table na 'yun," sabi niya sabay turo sa gawi ni Lyndon na ngayon ay nakatingin din sa gawi nila.

"Ako na ang mag-se-serve," patuloy niya.

Tumango naman si Rhian at agad na tumalima sa utos niya. "Ito na po, ma'am Eya." Iniabot ni Rhian ang kape sa kaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Labin-Dalawang Araw Lang, Mahal KoWhere stories live. Discover now