Unang Kabanata

21 4 0
                                    

Unang Kabanata (Simula)

“A-arthur?” nagising nalang si Eya na parang nananaginip pa rin.

Pumipikit pikit pa ang mga mata nito nang bigla nalang ito napatayo bigla at sinapo ang kaniyang dibdib.

“A-anong. . . Klaseng p-panaginip 'yon?”

Habol-habol ang kaniyang hininga ay muli siya nahiga sa kaniyang kama at pinagkatitigan ang kisame ng kaniyang silid.

Nakakatakot ang kaniyang panaginip. Sa wari niya'y binangungot yata siya. “B-bakit ganun? A-arthur. . . si A-arthur,” nanginginig niyang sambit.

Niyakap niya ang sarili at nagsimula nang mamilisbis ang kaniyang mga luha sa mga mata.

“Kumalma ka muna, Eya. Panaginip lang naman iyon,” kausap niya sa sarili at tsaka kinuha ang basong may lamang tubig sa beside table ng kaniyang kama.

Dagli niya itong nilagok at pinakalma ang kaniyang sarili. Ano nga bang klaseng panaginip iyon tungkol kay Arthur? Bakit siya nalulunod at hindi makagalaw si Eya upang tulungan itong umahon sa tubig.

Ang tanging nagawa lamang niya ay tignan ang kaniyang asawa habang lumulubog sa malalim na dagat. Tumatangis lang siya sa dalampasigan at ni paggalaw ay 'di niya magawa. Tanging pagluha at paghikbi lang kaniyang nagawa at pagmasdang unti-unting kinakain ng tubig si Arthur.

Ano kaya ang nais nitong iparating sa kaniya? Iyon ang bumabagabag sa kaniyag isip ngayong pag gising niya. Ang akala niya nga ay hindi na siya magigising pa.

“Eya! Bumangon ka na diyan, babae!” napaigtad si Eya sa kaniyang kama nang marinig ang sigaw ni Arthur mula sa kanilang salas.

Ngunit bigla siyang nagtaka sa pagtawag nito sa kaniya sa kaniyang pangalan. Kahit kailan kasi ay hindi siya nito tinatawag sa kaniyang pangalan sa halip ay palaging 'babae' ang tawag nito sa kaniya.

Napapantastikuhang bumangon si Eya at tsaka nagtungo sa banyo ng kaniyang silid para maligo. Kahit kasi mag-asawa na sila ni Arthur ay magkaiba sila ng silid at may sari-sariling banyo ang bawat isa.

Limang taon na silang kasal ni Arthur at kahit kailan ay hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kaniya. Palagi niya itong ipinagdarasal gabi-gabi na sana ay magbago na si Arthur at puwede na silang magsimula ulit na nagkakamabutihan na.

Ngunit kahit kailan ay parang hindi dininig ang kaniyang hinaing dahil limang taon na ang lumipas ay masahol pa rin at malamig ang pakikitungo nito sa kaniya.

Dagli lang na naligo si Eya, kapagkuwan ay nagbihis agad at bumaba na para makapagluto na rin ng kanilang umagahan. Palagi silang tanghali na nagigising dahil pareho silang walang trabaho tuwing umaga.

Si Arthur ay nag ta-trabaho bilang isang doctor sa sariling hospital ng kaniyang ama. Hapon lamang siya kung pumapasok. At uuwi naman siya ng hating gabi at minsan ay madaling araw na. Ngunit madalas ay hindi na ito umuuwi at doon nalang natutulog sa kaniyang opisina.

Wala namang problema iyon kay Eya dahil alam niya kung gaano siya ka disgusto ng kaniyang asawa. Alam niyang kaya ito doon nagpapalipas ng gabi sa opisina ay dahil ayaw siya nitong makasama sa bahay.

Masakit man isipin para kay Eya ngunit kailangan niya itong tanggapin dahil wala naman talaga siyang karapatan para pigilan o pagalitan ang lalaki.

“Sumabay ka nang kumain sa akin,” malamig na anang boses ni Arthur na ikinalingon ni Eya.

Aakyat na kasi sana siya sa kaniyang silid. Tuwing umaga kasi ay hindi talaga sila nagsasabay dahil umiiwas siya kay Arthur. Dahil alam na alam niya kung gaano ka galit sa kaniya ang lalaki.

Labin-Dalawang Araw Lang, Mahal KoWhere stories live. Discover now