Ikalawang Kabanata

21 5 0
                                    

Ikalawang Kabanata

Pagdating ni Eya sa kanilang bahay ay agad siyang dumiretso sa kaniyang silid upang magbihis.

Nang tignan ni Eya ang kaniyang wall clock ay agad din siyang nagmadali. Alas 6 na kasi ng gabi. Kailangan pa niyang magluto ng uulamin nila ni Arthur.

Mas lalo pa niyang dapat agahan ang pagluluto dahil baka nandiyan na maya-maya lang ang lalaki. Nagpahanda pa naman ito sa kaniya ng Sinigang na Bangus.

Humugot siya ng malalim na hininga. “Dapat masarapan si Arthur sa lulutuin ko!” parang timang niyang sabi sa sarili at pinagpagan ang kaniyang damit.

Nag-martsa siyang gumayak pababa ng kanilang salas tsaka pumasok sa kanilang kusina. Agad niyang inihanda ang mga lulutuin niya.

• • • •

Nang matapos ni Eya ang pagluluto ay agad naman siyang naghain. Ngunit lumamig na ang pagkain ay wala pa rin si Arthur. Ilang oras nang naka-upo at naka-ngalumbaba si Eya sa ibabaw ng mesa pero wala ni anino ni Arthur.

Ang pinanghahawakan lamang ni Eya ay ang mensahe nito kanina sa kaniya na sisikapin nitong umuwi ng maaga at ipagluto niya ito ng ulam.

Alas-nuebe na ng gabi ngunit wala pa rin ito kaya naman nanlumo nalang si Eya.

“Akala ko ba ay uuwi siya?” malungkot niyang sambit.

Hindi pa rin siya kumakain magpa-hanggang ngayon sapagkat hinihintay talaga niya ang lalaki.

Muli niyang pinagkatitigan ang kaniyang cellphone. Binasa niyang paulit ulit ang mensahe ni Arthur sa kaniya. Akmang tatayo na siya para kumuha ng maiinom dahil nanunuyo ang kaniyang lalamunan ay biglang may nag pop na message sa inbox niya.

Walang pag aalinlangang pinindot ito ni Eya at tsaka binasa ang mensahe.

(Unknown)
+09*********

Kumain ka nalang. Sa resto nalang ako kakain ngayon. Gagabihin ako masyado kaya mauna ka na ring matulog.

Unti-unting namilisbis ang kaniyang mga luha. Bakit ganun nalang ito sa kaniya? Hindi ba niya alam na umasa ito na darating siya? Bakit ngayon lang siya nagsabi kung kailan malalim na ang gabi at talagang tiniis pa ni Eya ang gutom para lang makasabay siya pero hindi rin pala siya sasabay?

Galit na iniligpit ni Eya ang kanilang pinagkainan at dirediretso nagtungo sa kaniyang silid.

“Argh! Bakit mo ba ako gina-ganito, ha!?”

“Bakit ba kailangan kong masaktan ng ganito? Ano bang ginawa ko sa 'yo para saktan mo ako!?” sigaw niya sa kaniyang silid.

Wala siyang pakealam kung may makarinig man sa kaniya. Ang importante lamang ay ang mailabas niya lahat ng hinanakit na kaniyang nararamdaman.

Binuhos niya lahat ng galit at sakit na nararamdaman sa pamamagitan ng pagsigaw. Iniyak niya lahat hanggang sa wala na siyang mailuha at naninikip na ang kaniyang dibdib.

Hindi namalayan ni Eya na nakatulog na siya ng tuluyan dahil sa labis na pagtangis.

“I-I. . . H-hate y-you, A-arthur,” mahina niyang sambit at tuluyan nang nilamon ng kadiliman.

Labin-Dalawang Araw Lang, Mahal KoWhere stories live. Discover now