X - Saved

5.5K 238 247
                                    

Third Person's POV

"It's been an hour already." Astrea muttered to herself after checking the time, until now hindi pa rin pinapaserve ng Propesora ang inorder niya.

Linda and Rose were still checking in on her, at nirereport naman nila ito kay Astrea as she was in charge of the restaurant tonight.

Iilan nalang din ang pumapasok para kumain sa restaurant kaya naman nakakahinga na ng maluwag ang mga staff nila. Waiting nalang sila kung ipapaluto na ba ng Propesora ang mga pagkain bago ihain ito sa itaas.

Pero dahil isang oras na ang nakalipas ay palihim din na tinatanong ni Astrea si Antonette kung dumating na ba ang taong hinihintay ng Propesora. But the answer has always been no.

"Linda." Tawag niya sa server na kakababa lang, "Anong sabi niya?"

"Wala pa rin po yung date ni Ma'am. Sabi niya naman na konting paghihintay nalang daw at pag dumating na, pwede na po ihain sa taas ang mga pagkain."

Astrea remained silent as she heard what Linda said, "Are you sure? Hindi ba pwedeng kumain na muna siya?"

"Hindi pa daw po siya gutom, Ma'am eh."

"Okay, thanks."

She sighed in frustration at bumalik ulit sa kusina, Chef Louis asked her if lulutuin na ba ang mga inorder ng nasa taas but she shook her head.

"Looks like someone was ghosted." He joked which made the others laugh except for Astrea.

She wondered kung anong mangyayari kung hindi nga sisipot si Khione sa naturang date nila ni Vivien. Would the latter really wait for her? Despite wanting to know how the Professor is upstairs, mas minabuti niya na ituon ang pansin sa pagtulong sa kusina at sa pagsusuri sa mga kinakailangang gawin para sa Restaurant.

3 hours and a half passed, and Rose was bringing the second bottle of red wine upstairs which made Astrea grew worried.

It was already 10:59 pm at kanina pa dapat sarado ang Constellations ng 10:30. Ngunit wala pa ring Khione na dumating.

Other customers have left pero tanging si Professor Del Mundo lang ang natitira, the food she ordered was left untouched.

Yung ibang cook ay pinauwi na ni Chef Louis dahil wala na rin naman silang kailangan lutuin pa kundi ang pagkaing hindi pa pinapaluto.

"Astrea," Tawag ng Chef sa kanya, "Kawawa naman yung nagpareserve sa taas, she paid for the food and reservation already. Lutuin ko nalang kaya ito? Or pwede din naman akong maghintay dito."

"No.." Iling niya, "Ako nalang po ang bahala dito. Pwede na po kayong umuwi. Sinabihan ko na rin yung iba to go home, it would be unfair kung mago-overtime kayo dito."

Gulat naman ang tinging binigay ng Chef sa kanya, "May plano ka?"

"Nand'yan pa naman si Kuya Ameel. I'll extend the opening hours, but once the clock strikes to 12, ipapasara ko na ang Restaurant. Kung darating man 'yung date niya, I'll be the one to cook for them. The orders are not complicated, naturuan niyo din naman po ako."

"Your Tita Sandra raised you well," He praised her at tinanguan ito, "Kung may mangyari dito, isang tawag lang ako."

"Thanks, Chef. Sige po, umuwi na kayo at magpahinga. Salamat po sa magandang serbisyo niyo ngayong araw."

It didn't took look enough for him to leave the restaurant, mahigpit naman na ibinilin ni Astrea kay Ameel, the restaurant's guard na magbantay ng maigi at tumawag kung may taong dumating. Though the sign says 'Closed', she will still let Khione enter if ever she arrives, despite being annoyed at the fact that it has been hours since the reservation, pero ni anino ay hindi man lang nagpakita ito sa kanya.

Aligning the Stars (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon