Synopsis

26 5 0
                                    

Synopsis

"Buwesit kang babae ka!? Saan ka na naman nanggaling? Naghanap ka ba ng lalaki?" nang-gagalaiting bungad sa akin ng aking asawa.

Kagagaling ko lang kasi sa pag-gogrocery. At heto na naman siyang umuwi ng lasing. Nagkalat pa ang mga bote ng inumin sa sahig at may mga basag na bubog sa ibabaw ng mesa.

Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso na sa kusina para isa-ayos ang mga pinamili ko. Gabi na rin kasi at nagugutom na ako. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko pero mas pinili ko nalang magpagutom dahil wala naman akong pera pambili ng pangkain ko. Mas kailangan ko pa munang unahin ang mga kailangan sa bahay.

"Kinakausap pa kita, babae! Buwesit ka talaga kahit kailan!" rinig kong sigaw ni Arthur. Sinundan niya ako sa kusina at hindi na ako magtataka kung maya-maya'y may mga pasa na naman ako sa mukha.

Hindi ko siya nilingon o binalingan ng pansin. Pinag-patuloy ko lamang ang pagsasa-ayos ng mga pinamili ko at inilatag ito isa-isa sa mga kabinet at sa ref para maging maaliwalas tignan ang aming kusina.

Aabutin ko na sana ang ikalawang palapag ng maliit na kabinet kung saan ang lagayan ng mga delata ay bigla nalang akong hinawakan ni Arthur sa balikat ng napaka-higpit at napaka-diin.

Napa-igik ako sa sobrang diin ng pagkakakapit ng mga kamay niya sa balikat ko. "Ano ba, Arthur! Nasasaktan ako! Bitawan mo na ako, please. . ." nagmamakaawang turan ko.

Pero hindi siya natinag at mas lalong hinigpitan ang kapit sa balikat ko. Tinitigan niya ako nang mariin at matalim. "Ngayon, iiyak-iyak ka diyan sa harap ko?! Walang hiya ka! Saan mo naman natutunang talikuran ako nang ganun ganun lang, ha!?" binitawan nito ang balikat ko at inilipat ang mga kamay niya sa aking baba.

Para akong maiiyak sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa baba ko. Parang nadudurog ang buto ng panga ko.

Ngunit kahit anong mangyari hinding hindi ko dapat ipakita sa kaniya na mahina ako. Kahit parang tutulo na ang mga luha ko ay pinigilan ko ito. Pinantayan ko ang talim ng mga titig niya.

"B-bitawan mo na ako!" mas pinagtibay ko ang sarili ko at hindi nagpatinag sa mga mata niyang matalim na nakatitig sa akin.

Simula noong ikasal kami ay nangako ako sa sarili kong kahit kailan ay hinding hindi ako iiyak sa harap ni Arthur. Kaya naman tuwing sinasaktan niya ako ay hinihintay ko munang tulog na siya at nasa sariling kuwarto na ako bago ko iindahin ang sakit na idinulot niya - pisikal at emosyonal na sakit.

Binitawan niya ako pero hindi parin naaalis ang masamang titig niya at ang mga mata niya ay kitang kita ang galit.

Tuwing lasing siya ay ganito siya palagi. Nagwawala, sinasaktan ako at dahil wala naman kaming ibang kasama dito sa bahay ay wala akong mahingan ng tulong. Ang mga kapitbahay naman namin ay mga kaibigan ko pero nakakahiya naman kung idadamay ko pa sila sa problema naming mag-asawa, lalo na't may sarili rin silang mga pamilya at buhay.

Hinilot niya ang sintido. "Magluto ka na. Nagugutom ako," utos niya at tuluyan nang nilisan ang kusina.

Nang mawala siya sa paningin ko ay doon ko lang pinakawalan ang mga luhang kanina ko pa pinipigil. Dahan dahan at nanghihina akong napasandal nalang sa ref namin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at bumilis din ang habol ko sa aking paghinga.

Parang pinipiga ang puso ko dahil sa sakit. Hindi ko rin halos mahawakan ang panga ko dahil parang namamaga na agad ito sa ginawa ni Arthur. Bakit ba kailangan kong maranasan 'to?

"Bilisan mo nang magluto diyan! Huwag kang magdrama at nagugutom na ako!" naiinis na sigaw ni Arthur kaya dali-dali naman akong tumayo at pinalis ang mga luhang namilisbis mula sa aking mga mata.

Labin-Dalawang Araw Lang, Mahal KoWhere stories live. Discover now