CHAPTER 10

13 2 0
                                    

🌧
ASHERA

"Sige ituloy mo mawawalan ka ng allowance.."saad ni kuya Dem mula sa gilid ko.

"K–kuya.."kinakabahan kong sabi.

"..And you," turo niya kay Kuya Ash "stop shouting."striktong sabi niya.

"Kuya may boyfriend na si Neya, didn't you bother?"sabi naman ni Kuya Ash.

Pangit mo!!

"He's not my boyfriend."depensa ko naman.

"He?"tanong naman ni Kuya Dem.

Tsk.

"Oh, di'ba may boyfriend na siya.."sabi ulit ni kuya Ash.

"He's not my boyfriend nga.."

"So, who's he?"seryosong tanong ni Kuya Dem.

"He's Daven's friend.."sagot ko.

"Daven's friend?"pang–uusisa pa niya.

"Sino naman dun?"tanong ni Kuya Ash.

"So kaibigan ni Daven hindi mo kaibigan.."sabi pa ni Kuya Dem.

"No."

"Bakit ka niya hinatid?"tanong pa ni kuya Dem.

"Ano, uhm– kasama ko kasi siya sa coffee shop kanina and then he insisted that he will drop me home."

"Kasama mo sa coffee shop?"tanong ni Kuya Ash.

"Yeah but it's a coincidence, I was there first. Alone."pagpapaliwag ko pa.

Para akong criminal ne'to ah..

"Okay, then."sabi ni Kuya Dem.

"What? That's it?"hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Ash.

"Yeah."sagot lang ni Kuya Dem tsaka dumiretso sa kusina.

"Did you expect him to scold me?"tanong ko kay Kuya Ash ng makaalis na si kuya Dem.

"Your just lucky today."masungit niyang sabi.
  
"Yeah, bad you.."maarte kong sabi tsaka umalis.

"Hoy, kumain ka na?!"sigaw na tanong ni Kuya Ash.

"Not yet, can you cook for me?!"pasigaw kong sabi tsaka pumasok sa kwarto ko.

Nang makapagpalit na ako ng damit pantulog ay bigla nalang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Are you there?!"malakas na tanong ni Kuya Ash mula sa labas ng kwarto ko.

"Yeah."sagot ko lang.

"Pasok ako ah.."pagkasabi niya nun ay narinig ko nalang na bumukas at sumara ang pinto ng kwarto ko indikasyon na pumasok na siya sa loob.

"Hey.."bati niya ng makita akong nanonood ng TV, kaya nag–angat agad ako ng tingin at dun ko nakitang may dala pala siyang tray.

Agad naman akong tumayo para kunin sakanya yun at napansin kong medyo basa ang buhok niya kaya nang maibaba ko na ang tray sa coffee table ko ay pabiro kong hinawakan ang buhok niya.

"Stop it."masungit niyang sabi tsaka mahinang tinapik ang kamay ko.

"Is it for me?"tanong ko sakanya sabay turo sa tray na may lamang mga pagkain.

"Hindi, para sakin talaga yan eh.."sarkastiko niyang sabi.

"I'm just asking."masungit kong sabi tsaka siya inirapan.

The Last RainfallWhere stories live. Discover now