CHAPTER 8

8 2 0
                                    

🌧
ASHERA

Habang nagbabasa ako sa study table ko ay bigla nalang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

It's already 11:00 PM so I guess it was Kuya Dem..

"Are you still awake?"tanong niya mula sa pinto.

"Yeah."sagot ko lang.

"Can I come?"

"Sure."

"So, how are you?"tanong niya nang makalapit sakin tsaka umupo sa gilid ng kama ko.

"I'm good."sagot ko nang hindi lumilingon sakanya.

"Mama Janica said that you didn't go outside today.."

"Hmm yeah."

"Why?"

Lumingon ako sakanya pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Cause I'm not in the mood.."to see them.

"To see them, right?"

Huminga ako ng malalim tsaka ibinalik ang atensyon ko sa binabasa.

"I know you very well, Neya.."

"I just can't understand Kuya.."

"You will understand, soon."

"I just want them by my side but they seems like they've always been busy.."

"You know Neya, I see myself to you.."He suddenly said.

"When I was young Mom and Dad we're always busy too, nung wala pa kayo ni Ash ang lungkot ng buhay ko kasi wala akong makausap at makalaro, ako lang palaging mag-isa, lagi lang nila akong iniiwan kay Nanay Florey pero nung ipinanganak si Ash, I promised to myself that I will never leave him, that I will always be by his side when he needs me or not, I will never let him feel what loneliness was. So I did, I was the one whose wiping his tears, I was the one whose taking care of him, I was his handkerchief, his father, his shield, his bestfriend, his eldest brother.."

"Pero nung ipinanganak ka hindi ko na nagawa sayo yun, I promised that if I'm having a little sister I will do the best for her too, I will be her handkerchief too, I will be her father too, I will be her shield too, I will be her bestfriend too and the best eldest brother to her. But I failed, I failed because I've always seen you crying."he said and smiled bitterly.

"It's not your fault.."saad ko.

"It's never been your fault."saad ko pa bago siya yakapin.

Hindi niya kasalanan kung umiiyak ako dahil nangungulila lang naman ako sa pagmamahal at atensyon ng magulang, he always be the best eldest brother to me..

Of course Kuya Ash too..

He kissed the top of my head and tapped my shoulder..

"Sige na, matulog kana masama sa katawan mo ang pagpupuyat."He said.

"Good night."sabi niya pa bago ulit hinalikan ang noo ko.

"Good night."sabi ko din tsaka siya lumabas nang kwarto ko.

Inayos ko lang ang mga libro ko bago natulog.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil may pasok.

Another hell day again..

Naligo at nagbihis na ako ng uniform ko at inayos ko lang din ang buhok ko sa half ponytail, nilagyan ko lang din yun ng itim na ribbon para maayos tignan.

Pagkababa ko sa living room ay dumiretso ako sa kusina pero hindi ko inaasahan na nandito pa pala sina Dad. Nang makita nila ako ay agad nila akong binati.

"Good Morning."bati ni Dad.

"Good Morning, Dear."bati din ni Mom.

"Morning."bati ko pabalik tsaka dumiretso sa kusina.

Naabutan ko dun sina Kuya Dem na nagtitimpla ng kape niya at si Kuya Ash na nagtotoast ng tinapay.

"Good Morning."bati nila sa akin.

"Morning."bati ko.

Kumuha lang ako choco milk at sandwich dahil ayokong magbreakfast dito.

Ngayon lang naman..

"Papasok kana?"tanong ni Kuya Ash.

"Oo."sagot ko.

"Sabay na tayo.."sabi ni Kuya Ash.

"Sige, hintayin nalang kita sa kotse mo."walang ganang sabi ko tsaka umalis, sa backdoor na ako dumaan dahil ayoko pa silang makita.

Nang makapasok na ako sa kotse niya ay doon ko na din kinain yung dala kong sandwich at choco milk.

Then my phone suddenly rang..

Ali(sun)'s calling...

"Yes?"bungad ko.

[Where are you?]tanong niya.

"House."maikling sagot ko.

["Anong oras ka papasok?"]

"Don't know."

["Sunduin kita?"]

"No need."

["Ok, bye."]

"Bye."I said before hanged up the phone.

Maya-maya pa ay dumating na din si Kuya Ash kaya umalis na din agad kami.

Nang makarating na kami ng University ay bumaba agad ako dahil ilang oras nalang ay malalate na ako.

"Bye, Ash!!"sigaw ko.

"Bye— what?!! did you just fucking call me Ash?!!"Hindi makapaniwalang sigaw niya.

"Yeah, bye Ash!!"I teased before run away.

"What the—!!"

Nang makarating ako sa classroom namin ay nagdidiscuss na ang prof namin.

"Your Late Ms. Laurence.."bungad niyang sabi nang makita niya ako.

"I'm sorry prof.."paghingi ko ng tawad.

"Okay, since we have a recitation.."

Again!!

"Your gonna be the first who'd recite.."

Wala talagang good sa morning..

"Ok."

"Okay then, what is the article 6 of the Philippines constitution?"

Yan na naman!!

"Article No. 6 of the Philippines Constitution is about the Legislative Department. It states that the legislative power shall be vested in the Congress of the Philippines which shall consist of a Senate and a House of Representatives,"walang ganang sagot ko.

"...And?"

Psh.

"...Except to the extent reserved to the people by the provision on initiative and referendum."dugtong ko pa.

"Okay then, go to your seat."

Mabilis natapos ang buong araw namin na puro discuss at debated.

Nang matapos ang klase namin ay dumiretso agad ako sa coffee shop sa tabi ng Archi University.

Pagkapasok ko pa lang ng coffee shop ay wala pang masyadong costumer. Bumili lang ako ng choco milkshake ko tsaka umupo sa pinakamalapit sa entrance ng coffee shop.

Maaga pa naman kaya dito ko nalang muna gagawin yung research ko para bukas.

Maya-maya pa ay may naglapag ng mga libro at iba pang materials sa harap ko kaya nag-angat ako ng tingin.

Oh!! he's here..

"Hey, can I sit here?"tanong niya sa akin.

Tumingin ako sa paligid at napansin kong wala naman masyadong costumer.

"S–sure."sagot ko lang sakanya.

Nang makaupo siya sa katapat kong upuan ay ibinalik ko agad ang atensyon ko sa ginagawa kong research.

Why am I feeling so awkward?

The Last RainfallWhere stories live. Discover now