CHAPTER 6

8 3 0
                                    

🌧
ASHERA

Pagkauwi namin ay ginawa na namin yung mga projects at readings namin dahil may pupuntahan daw si kuya Ash mamaya.

Pagkatapos niyang gawin yung plates niya ay may tinawagan muna siya bago nagpaalam sakin at umalis.

Nagbabasa ako sa living room nang biglang tumunog ang cellphone ko..

Ali(sun)'s calling...

Kinuha ko yun sa ibabaw ng libro na babasahin ko tsaka sinagot..

["May kasama ka diyan?"] Bungad na tanong niya.

"Well, wala sila Kuya but Mama Janica is here.."sagot ko.

["Need mo kasama?"]She asked, again.

"No need, tahimik na buhay ko dito wag na kayong pumunta, and may readings ako."I said.

["It's Saturday sis, let's hang out.."]

"No, kayo nalang."

["Pupuntahan ka namin diyan pag hindi ka sumama.."]She warned.

Hysst!!

"Fine, Pagkatapos ng readings ko."sabi ko.
 
Peace of mine na din..

["5 pm sunduin ka namin sa harap ng convenient store ng village niyo."]

"Ok."sabi ko tsaka pinatay ang tawag.

5 pm so meron pa akong 5 oras para sa readings ko dahil 12:08 pa lang naman.

Habang nagbabasa ako ay may nagbaba ng tray sa harap ko kaya napatingin ako kung sino yun.

"Kain kana, late na.."Sabi ni Mama Janica na siyang naglagay ng tray sa harap ko.

Sila Mom kaya iniisip kaya nila ako?

Ngumiti lang ako sakanya at itinabi ang librong binabasa ko para kumain.

"I–Is it okay if dito ka po muna?.."nahihirapang sabi ko.

Don't cry, Neya!!

"Oo naman, halika dun ka nalang kumain sa dining table para hindi ka mahirapan diyan"sabi niya sabay kuha ng tray at dinala ito sa dining area, ako naman ay sumunod lang sakanya.

Siguro kung siya yung Mom ko hindi ako mangungulila ng ganto..

Well, mom was always busy because of her business..

So, I understand but how about me I am not important to them?..

Pagkapasok namin ng dinning area ay umupo na ako at pinilit kumain.

Kuya Ash I need you right now..

Pinipigilan kong wag umiyak dahil kumakain ako pero napansin yun ni Mama Janica kaya hinaplos niya ang likod ko dahilan ng pagbagsak ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"Shh busy lang sila, andito naman ako.."pagpapatahan sakin ni Mama Janica.

I understand na busy sila sa business, I understand na importante yun, I understand kasi para samin naman yun, I understand na lagi silang wala sa mga special occasions kasi busy sila sa mga business meetings nila, I understand na wala sila kapag may sakit kami kasi busy sila, I understand na palagi silang wala kasi yun naman dapat eh, pero paano naman kami? Paano naman kung kailangan namin sila? Kailangan din namin sila, Oo binibigay nila lahat ng gusto namin pero hindi naman talaga yun yung kailangan namin eh, Sila yung kailangan namin kahit isang araw lang na magspend sila ng oras para samin, isang araw lang.

The Last RainfallWhere stories live. Discover now