CHAPTER 26

46 4 2
                                    

Ito na Ang pinakahinihintay at pinaka nakakakabang Araw para sa team Ng shohoku. Kung saan, maglalaro Sila kontra Miyaka high.

Alas kuwatro palamang Ng madaling Araw ay gising na Si Akagi, makailang beses pa itong tumakbo sa bakuran Ng Bahay nila para eh kondisyon Ang isipan. Dahil nga sa winter season na ito ay talaga nga Namang malamig kung kayat balot ito Ng mag jogging sa labas.

'ilang Oras nalang.'

Namuong salita nito sakaniyang isipan. Hindi Niya mawari Ang nararamdaman dahil nga unang pagkakataon nanaman nila ulit sasabak sa ganitong tornamento. Mariin Rin niyang pinasadahan Ang kaliwang binti dahil kumikirot ito satuwing malamig Ang panahon, Isa pa ito sa kinakatakutan Niya... Natatakot siyang baka Isa pa ito sa makaapekto sa laro Niya mamaya. Hindi paman subalit kinakabahan na Siya para sa mangyayare.

" Naku! Unang laro nanamin para sa Araw na ito." Ito Naman Ang naanas ni Mitsui sakaniyang sarili Nang mapabalikwas Ng gising. Pagkaupo Niya sakaniyang hinihigaan ay tumambad sakaniya Ang kalendaryo nakung saan iminarka Niya Ang laro nila para sa Araw na ito. Gaya Ng marami, kinakabahan Rin si Mitsui sa posibleng kahinatnan Ng laro. Ni Hindi Rin ito nakatulog kagabi Ng maayos dahil sa kakaisip. Ito Ang unang propesyonal na laro Ang dadaluhan nila na Hindi Kasama si coach Anzai. Mahirap mag adjust Lalo nat Hindi palamang matagal Nang palitan ito.

'manonood kaya si Coach Anzai?'

Ang natanong Niya sakaniyang sarili, Hindi Siya mapalagay satuwing Hindi nakikita Ang presensiya Ng matanda. Nangyare na ito noon, Nung Minsan nilang makalaban Ang team ng Ryonan. Wala Rin si coach Anzai nun at kaparehong-kapareho Ang nararamdaman Niya Ngayon. Bahagya pa siyang napatayo kahit na alas tres palamang Nang madaling Araw. Nagpabalik-balik pa ito sa paglalakad, ilang Oras Ang tinagal nun Hanggang sa makapag pasiya na siyang maligo. Nagbabakasakaling mawala Ang nerbyos na nararamdaman Niya. Mamaya pang hapon Ang laban nila pero parang sobrang Dali lang Ng takbo Ng Oras para sakaniya.

Sa kabilang Banda Naman.... magtatanghali na Ng magising si Miyagi, malalim Rin Ang iniisip nito para sa laro nila mamaya. Dahil sa sobrang pag-iisip ay nanatili Muna itong nakahiga. Kinakabahan Rin. Sino nga ba Ang hindi kakabahan kung ito na Ang Araw Ng laro nila. Pasimple Rin niyang pinagmasdan Ang dalawang palad, nanginginig nanaman ito ngunit Hindi masiyado.

' naku, ito nanaman siya.'

Ang mahinang bulong Niya sa sarili habang pinagmamasdan Ang dalawang palad na walang tigil sa panginginig. Matapos niyang sabihin yon kalaonan ay napabalikwas na Siya Ng upo Mula sa pagkakahiga. Dirin Naman nagtagal ay tahimik niyang tinungo Ang kusina at naka ilang baso pa siya ng tubig habang umiinom. Siguro'y marahil ito na Ang epekto Ng winter tournament sakaniya.

' Hindi ko alam kung San Ako dadalhin Ng mga kamay nato? Pero sana Naman makatulong to sa team.'

Aniya sakaniyang isipan habang mariing pinapasadahan Nang tingin Ang dalawang kamay na Ngayon ay nakahawak sa basong kinuha nito kanina lang.

Samantala.

Tahimik na naglalakad si hanamitchi Sakuragi para magtungo sa bakanteng lote kung saan naroroon Ang paborito nitong basketball court. Habang Nasa kalagitnaan Ng pagpalalakad, Hindi Niya maiwasang isipin kung Ano ba Ang maitutulong Niya sa team mamaya. Marahil ay sasabihin Ng marami na katawa-tawa Siya kung sasabihin Niya Ang mga katagang iyon sa iba. Pero sa Ngayon Yun talaga Ang iniisip Niya.

" Si Hanamitchi Ang sikat na basketbol men, magaling na basketbol men. Oo tama! Si Hanamitchi nga." Pagkanta Niya Mula sa kawalan. Mula sa paglipad Ng isip nito ay Hindi Niya sinasadyang makasalubong Ang naglalakad na Si Rukawa. Tila malalim Rin Ang iniisip nito na parang Wala sa sarili kung titingnan. Sabagay, palagi nga Naman itong ganito. Malimit Hindi magsalita at kung Minsan nagsusuplado pa. Sa basketball lamang nito pinapakita na nakikipag-usap Siya sa iba.

THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)Where stories live. Discover now