CHAPTER 1

227 5 1
                                    

Tahimik lamang na pinagmasdan ni Hanamitchi Ang imahe ni Rukawa habang nagpa practice itong mag shoot Nang bola. Nito kasing nakaraang linggo ay hinamon Sila Nang team Nang Shoyo para sa Isang practice game na gaganapin matapos Ang dalawang Araw. Hindi Naman agad nakalagpas kela Miyagi at Mitsui Ang mga tingin niyang Yun Kay Rukawa dahilan upang mag suspetsa Ang mga ito.

" Tingnan mo tong si Hanamitchi, mukhang manghahamon nanaman Nang away oh." Mungkahi ni Miyagi habang Panay Ang paglalagay Nang bola sa lalagyan nito. Pasimple Namang tiningnan ni Mitsui Ang kinaroroonan ni Hanamitchi at kalaona'y dumapo Ang tingin nito sa direksiyon kung San ito nakatingin.

" At mukhang may tatamaan nanaman niyan." Tila natatawang Turan Naman ni Mitsui rito. Samantala, kanina pa nahahalata ni Rukawa Ang pagtitig ni hanamitchi sakaniya na siyang binabalewala lamang Nito.

" Gunggong talaga." Bulong nito sa sarili matapos eh shoot Ang bola sa ring. Matapos niyang eh shoot Yun ay Siya Namang pagdating ni Ayako Mula sa pinuntahan nito Kasama Ang coach nilang Si Coach Anzai. Bahagya pa itong pumalakpak upang agawin Ang atensiyon Nang lahat.

" Ok team! Pinuntahan Namin Ang eskuwelahan Nang Shoyo Ngayon, Ang Balita ko Pati Ang team Nang Kainan ay Hindi Rin Nila pinalagpas at hinamon Rin Nila ito Nang practice game. " Bungad nito sakanila... Tahimik lamang na nakamasid si Coach Anzai sa ginagawang forum Nang team.

" Ibang klase Rin Naman Ang team Nang Shoyo ano? " Ani Miyagi.

" Sinabi mo pa, mukhang may pinapatunayan Ang mga sira." Si mitsui Naman na pakamot-kamot sa Ulo nito... Na tila nagtawanan pa ni Miyagi.

" Tama! " Malakas na wika ni Akagi na nakaagaw atensiyon sa lahat.

" Lahat Nang team Ay may kaniya-kaniyang diskarte para lumakas at para may patunayan narin. Determinado Ngayon si Fudjima para sa winter tournament. Sinisigurado niyang mananalo Sila Ngayon at makakapasok muli sa Interhigh." Dugtong ni Akagi sa sinabi...

" Tama ka riyan Senpai, Bukod paron may mga bagong manlalaro Ang team Nang Shoyo Ngayon. Kung di Ako nagkakamali, Ang pangalan Nang Isa sakanila ay si Miyo Ishikawa. " Ma impormasyong Saad ni Ayako sa lahat... Tila bulungan Naman Ang tanging narinig sa buong Gym Nang Shohoku.

Samantala... Parang tuod Namang Hindi nakagalaw si Miyagi dahil sa pangalang binanggit ni Ayako.

' T-teka? Ishikawa....Pano? Baket? '

Punong-puno Nang katanungan na Wika nito sa kaniyang isipan... Kilala ni Miyagi Ang bagong manlalaro Nang Shoyo kung kayat Hindi ito makapag focus Nang maayos. Tila naramdaman Naman agad iyon ni Mitsui at napatanong kaagad ito sakaniya.

" Baket Miyagi? Kilala mo ba Ang Miyo Ishikawa na Yun? " Deretsahang tanong nito. Dumapo Naman Ang tingin Nang lahat sa direksiyon ni Miyagi. Napatingin Muna si Miyagi sa lahat bago magsalita...

" Ang Taong Yun, kaibigan ko Siya." Sagot ni Miyagi sa mga ito. Tila nakaawang Naman Ang bibig Nang lahat dahil sa sinabi Niya.

" Teka lang? Kaibigan mo Yun? Eh baket sa Shoyo Siya pumunta? Dibale na! Basta na sa Shohoku Ang henyong si Hanamitchi Sakuragi, Sigurado akong walang panama satin yang Miko ishoko nayan." Pagyayabang nito.

" Miyo Ishikawa, Sakuragi." Pagtatama ni Kogure rito subalit inismiran lamang Siya ni hanamitchi.

" Parehas narin Yun, magkatunog Naman." Depensa pa nito...

" Kahit sino pang puncho pilato Ang makalaban natin, Gawin parin natin Ang lahat para manalo." Ani Akagi na nakapag bigay determinasyon sa team Nang Shohoku.

" YES CAPTAIN! " Sigaw nalang lahat...

" HO HO HO HO HO! " Tanging sambit lamang ni coach Anzai sa mga ito.

" Ok team! Assemble! Kailangan nating mag practice dahil kakalabanin natin Ang team Nang Shoyo... " Ani Akagi, lahat Naman ay nagsibalik sa pag eensayo. Habang nagpa practice Ang lahat ay siya Namang paglapit ni Rukawa Sa kinaroroonan nila Miyagi, Mitsui at pati narin si Sakuragi.

" Magaling ba siyang maglaro? " Tila Wala sa katinuang tanong ni Rukawa Kay Miyagi na siyang ikinatigil Nang dalawa...

" Baket Rukawa? Natatakot ka naba? " Natatawa Namang Banat ni Mitsui...

" Sinong natatakot? Si Rukawa ba? Natural lang Yan, dahil uhugin Kasi Siya..." Mangiyak-ngiyak na Turan ni hanamitchi habang tumatawa...

" Hindi ko alam, simula Nang maaksidente Siya... Hindi ko na Siya kailanman Nakitang naglaro Nang basketball. Sa tagal Nang panahon, marahil ay bumagal na Siya sa paglalaro... O kaya Naman mas gumaling pa." Mahabang salaysay Nang binata rito...

" Todo naba ang laro mo? " Tanong pa nito sakaniya...

" Ano bang klaseng tanong Yan rukawa? " dala nang kuryusidad na tanong ni Mitsui rito...

" Sa malamang, si kulot ata yan hambog." Pagsingit Naman ni Sakuragi.

" Kung Ako sayo, mag practice kana... Hindi ka magiging Isa sa pinaka magaling kung di mo kayang panindigan Ang posisyon mo." Paalala nito sakaniya na sabay alis matapos Ang mga katagang iyon...

" Aba! Nakakalalaki na Yun ah." Tila nainis Namang Saad ni Mitsui Kay miyagi...

" Hayaan mo na kulot, Basta Ang mahalaga magaling Ang henyong ito." Banat Naman agad ni Sakuragi na siyang dahilan upang batukan Siya ni Akagi.

" Hindi bat Ang Sabi ko mag practice kana! " Baritonong wika nito habang bitbit-bitbit nito si Sakuragi.

Naiwan Namang nakatulala si Miyagi habang iniisip Ang mga salitang binitawan sakaniya ni Rukawa. Alam niyang may Punto iyon kung kayat ganun nalamang Siya kung pagpawisan.

" Wag mo Nang isipin Ang sinabi Nang mayabang na Yun Miyagi..." Ani Mitsui na sabay alis Rin patungo sa kinaroroonan ni Coach Anzai.

Hindi mawari ni Miyagi Ang nararamdaman, iniisip Niya na may alam si Rukawa tungkol Kay Ishikawa... Pero pano kung Ngayon lang Naman nakilala Nang team Ang tungkol sa manlalaro. Hindi man nito aminin subalit, Hindi pa Siya handang makaharap Ang Taong Siyang dahilan kung baket nakilala Niya Ang larong basketball, Ang Taong naging Daan upang makilala Niya si Ayako, kung bat Hanggang Ngayon napamahal na sakaniya Ang larong ito.

" Ano ba talagang balak mo...........













































Ishikawa?....... "

THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)Where stories live. Discover now