𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟑𝟔

2.4K 110 17
                                    

ᴅᴇᴅɪᴄᴀᴛᴇᴅ ᴛᴏ
ImLecra09&Yuiregene26


𝗠𝗔𝗨𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗣𝗢𝗩


Nakita kong walang ganang naka tingin si Darth sa niluto ko at walang balak na kumuha kaya ako na yung nag sandok ng kanin at ulam niya.

"Tikman mo masarap yan ako yung nagluto niya" Naka ngiting sabi ko walang buhay niya naman ako tinitigan at sumandal sa upuan.

"H-hoy kung iniisip mo na may la—"Just When did you learn to cook!" Kunot noong tanong niya.

'Yan Lala galingan mong magsinungaling, hindi nga pala marunong magluto si Maurice'

"A-ah n-nag-paturo" iwas na tingin na sabi ko.Ilang minuto hindi siya nagsasalita at naka titig lang saakin.

"S-saan ka pupunta? " Takang tanong ko ng bigla siyang tumayo.

Hindi niya ako pinansin at diretsong umalis, mabilis ko naman siya hinabol.

"Aalis kana ba? " Napatigil siya sa sinabi ko, pati na din ako.

"A-ah i mean aalis kana? Hindi naba masakit yung sugat mo? " ngiwing sabi ko, hindi ko makita yung expression niya dahil naka talikod siya saakin.

"No" maikling sabi niya at nag-umpisa namang maglakad uli.

"Sayang naman yung niluto ko, pinaghirapan ko pa naman yung lutuin " Kunwaring malungkot na sabi ko. Alam ko naman na narinig niya yun dahil hindi pa naman malayo masyado ang agwat namin sa isa't isa.

Napangisi akong tumalikod naramdaman ko kasing napa hinto siya.

"Itatapon ko nalang siguro to" At nag-umpisa nang maglakad pabalik sa Dinning.

Papasok na sana ako ng Dinning ng may mahinang bumangga saakin at naunang umupo sa upuan.

Napa ngiti naman ako at umupo sa harap niya, naka titig lang ako sakanya habang kumakain.

"What? " Inis na sabi niya.

"Masarap ba? " Nakangiting tanong ko sakanya.

Imbes na sagutin niya ako ay sumandok pa siya sa ulam na niluto ko, kaya todo ngiti naman ako.

'Alam ko namang nasasarapan ang unggoy nato eh'

MAtapos naming kumain— i mean siya lang pala may pa arte-arte pang nalalaman inubos niya naman pala yung sinigang na niluto ko, ang kapal pa ng mukha hindi manlang ako tinirhan at ako pa talaga yung pinahugas—

Alangan siya yung papahugasin mo Maurice eh bahay mo to at bisita siya—crap that, Akyat bahay siya. Napa iling nalang ako at tinapos yung hinuhugasan ko.

'3:40'

Nanlaki yung mata ko ng makitang 3:40 na ng umaga. Kaya pala pumipikit na yung mata ko.

Binalingan ko si Darth ng tingin at naka tingin lang siya sa bintana , tumingin naman ako sa labas ng bintana umuulan parin pala.

"Darth" tawag pansin ko sakanya , walang gana niya naman akong binalingan.

"Dito kana lang kaya matulog? Madami pa namang extrang room dito" Ngiting alok ko sakanya, akala ko tatangi siya sa alok ko pero tinanguan niya lang ako at tumayo sa kinauupuan niya.

REINCARNATE AS A VILLAINTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang