𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟑𝟓

2.2K 97 11
                                    

ᴅᴇᴅɪᴄᴀᴛᴇᴅ ᴛᴏ
backmary&1r3n3_4U


𝗠𝗔𝗨𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗣𝗢𝗩

"DARTH!! "

Mabilis na nilapitan ko siya at tinulungang umupo sa kama nanlaki ang dalawang mata ko ng makitang dumudugo yung ulo niya na pinalo ko.

"W-w-wait lang diyan kalang" Tumayo ako at hindi alam ang gagawin, mabilis kong kinuha ang phone ko tatawagan kona sana si Cellion nang may naalala.

'Sh*t hindi pala pwede baka ano pang isipin non"huminga ako ng malalim at tumingin sa kama kong saan naka higa si Darth naka pikit na ito at naka hawak sa sugat niya sa ulo.

"Kaya mo to lala"bulong ko at mabilis kong kinuha ang first Aid kit na nasa drawer ni Maurice at umupo sa tabi ni Darth.

Kahit naman kunti ay may alam din naman ako sa first aid kaya hindi ako mahihirapan.

Habang ginagamot ko siya ay hindi ako mapa kali tinignan ko siya at mas lalong nadagdagan yung kaba ko ng hindi siya kumikibo.

'Patay naba to? '

Tinignan ko yung pulso niya at naka hinga ng malalim na maramdaman na buhay pa ito.

Matapos ko siyang gamutin at lagyan ng benda ay dahan-dahan ko siyang hiniga sa kama at kinumutan   kahit hirap dahil sa malaki niyang katawan.

PAGkatapos kong gamutin ang sugat ni Darth ay pumunta mona ako sa kusina upang magluto.

First time ko ditong magluto sa bahay ni Maurice, simula kasi nong napadpad ako dito sa mundo nato ay palagi akong nasa restaurant kumakain.

Wala naman kasi akong time na mag-luto, hays! Napa tigil ako ng may naalala, oh na kapag-luto na pala ako sa condo ni Leo, kinain kaya niya yun?Sayang naman kung tinapon niya yun pinaghirapan ko kaya yun.

Tumingin ako sa taas at nag-isip ng magandang lulutuin.Napatigil ako at hinawi ang kurtinang naka tabon sa bintana .

" oh umuulan pala"Tinignan ko yung oras hindi ko napansin na it's 11:36pm na.

"Hays masarap sanang matulog ganitong oras eh lalo na at umuulan"naka simangot kong bulong.

Nag-umpisang na akong magluto, naisipan kong sinigang na baboy nalang yung lulutuin ko bahala siya diyan pag hindi na mainit pag gising niya hindi pa naman masarap to kapag hindi na mainit.

Inumpisahan ko ng humiwa ng sibuyas at ng iba pang mga ingredients ng sinigang.Mabuti nalang at completo yung mga ingredients dito sa kusina ni Maurice kaya hindi na ako nahihirapan mamili.

Sa pagluluto ko hindi ko mawala sa isip ko kung bakit nandito siya? I mean haler diba galit sila kay Maurice, eh bakit—nanlaki ang mata ko at napa takip sa bibig.

" papatayin niya ba sana ako? "Tumingin ako malapit sa hagdan napa lunok ako .

" h-haa baka hindi naman, pero—"Huminga ako ng malalim at dahan-dahan umiling mabuti nalang pinalo ko siya ng vase.

Napa tigil ako ng mapansin muntik nang masunog yung niluto kong kanin .

"Wag mo monang isipin yun lala, kung mamatay kadin naman—HINDI KO KAYA"

" And finally done! " sabay ngiti, tinikman kopa at mas lalong bumilib sa sarili ko dahil nag improved at ang sarap ng luto ko.

"Goodjob Maurice, and you are finally a great chief"taas noong sabi ko at nag pose pa.

Pagkatapos kong magluto ay hinanda kona sa lamesa at napagpasyahan na umakyat sa kwarto ko.

Dahan-dahan akong sumilip sa pinto para tignan si Darth .

Napa kunot ang noo ko ng nakita ko siyang naka tayo malapit sa kama naka talikod siya saakin kaya likod niya lang ang nakikita ko.

Napa tigil ako ng kinuha niya yung nilagay kong benda sa ulo niya at Naglalakad na siya papuntang Veranda.

" w-wait—"mabilis kong hinawakan ang braso niya ng tatalon na sana siya.

'Seryoso ba tong unggoy nato tatalon siya? '

Kunot noo niya akong binalingan at sinamaan ng tingin, binitawan ko ang braso niya

"S-saan ka pupunta? " Nagtataka kong tanong.Aalis na ba ang unggoy nato?

"Home" maikling sabi niya at tatalon na sana —

"Wait tatalon ka talaga diyan" nanlalaking matang sabi ko sabay turo sa veranda nasa ikalawang palapag kasi tong kwarto ni Maurice hindi naman masyadong mataas pero still magkaka injury parin yung taong tatalon dito lalo na at ang babagsakan niya ay semento.

At saka ba't ba siya dito dadaan eh pwede naman sa pinto diba?

"Yes why? " bagot na sabi niya at kinuha ang braso niya sa kamay ko na hindi ko napansin na hawak ko na.

"Anong why ka diyan, magaling naba yung Sugat mo? " takang tanong ko sabay tingin sa ulo niya sinamaan ko siya ng tingin ng makitang dumudugo parin yun.

"Bakit mo ba kinuha yun benda ayan tuloy dumugo ulit" Inis na sabi ko sabay hila sa tenga niya papuntang kama hindi naman siya naka palag at reklamo lang ng reklamo.

Kinuha ko yung first Aid at nilinisan bago nilagyan ng benda yung sugat niya. Naramdaman ko pang naka titig siya saakin pero hindi kona binigyan ng pansin iyon.

"Done" Ngiting sabi ko at tinignan siya, nagulat pa ako ng naka titig siya saakin marami akong na kitang iba't ibang emosyon pero hindi ko mapaliwanag kung ano.

"A-ah n-nagluto ako ng pagkain, kung gusto mo kumain ka na mona" Akward na sabi ko sabay tayo. Tinignan ko siya kung papayag siya sa alok ko pero hindi siya nagsasalita at tumayo nalang.




'Silent meant yes'

















A/N:Don't forget to vote and comment guyss thank you for reading!

REINCARNATE AS A VILLAINWhere stories live. Discover now