𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟳

3.3K 125 2
                                    

Lalaine/Maurice POV

"Hingang malalim Maurice, wag kang kabahan" Tumingin ako sa Gate ng Academy at huminga ng malalim

'Wag kang kabahan' Pumikit ako at pumasok na, sa pag tapak ko ng Gate ay madaming mata ang naka tingin saakin, at nag umpisa ng magbulungan.

'Sh*t sabi ko na nga ba '

"Ang kapal talaga ng mukha niya no? "

"May gana pa siyang pumasok matapos nang ginawa niya kay Samara"

"Bitch"

"Slut"

Binilisan ko na lang ang lakad ko, lumiko ako papuntang garden.Hindi pa naman nag-uumpisa yung klase kaya tatambay mona na ako.

Hindi pa ako nakakalayo ng may nabangga ako, napa salampak yung nabangga ko.

"S-sorry hi-hindi ko s-sinasadya" pagpapaumanhin niya, tinulungan ko naman siyang damputin ang nakakalat na libro sa sahig at inabot sakanya

"Ah okay lang ako nga dapat yung nag-sosorry hi-" naputol ang sasabihin ko ng makita ko ang mukha ng naka bangga ko

'Sh*t ang malas mo talaga Maurice'Yung nabangga ko lang naman is yung female lead.
Nakita ko namang nanginig siya at hindi maka tingin saakin, naramdaman kong tumahimik ang paligid,magsasalita na sana ako ng may nagsalita sa likod ko kaya napa tingin kami don.

"What's going on? " Napa pikit nalang ako ng mata.

"Are you okay Samara? " Tanong ni Darius kay Samara

'Yes si Darius yung knight in shining armor ni Samara'

"Maurice" napa mulat ako ng mata ng tinawag niya ako .

"What did you do this time? " Galit na sabi niya, nakita ko pang marahan niya hinila si Samara palayo saakin. Kunot noo ko namang binalingan si Samara

'Di ba dapat mag eexplain siya na accidente lang yung nangyaring banggaan? Bakit hindi siya nagsasalita? '

"I-i acc-" naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Samara

"D-Darius accidente lang yung nangya-ri, parehas kasi k-kaming hindi naka tingin sa dinadaan namin" mahinang sabi niya na hindi naman sinang-ayunan ni Darius, madami nading naka tingin saamin.

"As always samara kinakampihan mo parin siya" Napa baling kami sa nagsalita.

'Si Leo kasama niya sina Archie, keenan liam at Gavin na walang ganang naka tingin saakin'

"H-hindi na-ma-" naputol ang sasabihin niya ng magsalita si Archie.

"Maurice" madiin na sambit niya sa pangalan ko, binalingan ko siya at huminga ng malalim.

"Accidente lang yung nangyari, pupunta sana ako ng garden ng maka banggaan ko si Samara" yukong sabi ko

"Garden? Sa pagka alam ko wala kang hilig pumunta sa Tagong mga lugar? " takang sabi ni Liam na may ngisi
Nangunot naman ang noo ko.

"Hindi pwedeng magpahangin lang? " naka taas kilay kong sagot

"Magpahangin? Bakit wala ba ditong hangin or-?" Putol na sabi niya lumapit siya saakin at inilapit ang mukha niya napa atras naman ako.

"A-ano? " utal na tanong ko

"Or gusto mo lang magpapansin kay Darth? Dahil alam mong sa garden palaging nagtatambay si Darth" nakangisi niyang sabi, natigilan naman ako.

'Sh*t hindi ko alam yun'

"Ayaw mona ba kay Darius kaya si Darth naman yung tatargetin mo? " natatawang tanong niya.

REINCARNATE AS A VILLAINWhere stories live. Discover now