NANDITO LANG AKO

57 4 0
                                    

NANDITO LANG AKO

[Ela's POV]

Unang araw ng pasukan at narito ako sa harap ng bago kong eskuwelahan. Parang kailan lang nandoon pa ako sa dati kong school at ako pa ang kumakausap sa mga bago kong kaklase, ngayon naman ay hindi ko malaman ang gagawin ko. Kanina pa kasi ako nakatayo rito at pinapanuod lamang ang mga estudyanteng pumapasok. Natatakot ako. Wala akong kakilala kahit isa rito. Wala na akong kasamang papasok dahil nagbago na ang lahat. Lumipas pa ang ilang sandali ay hindi pa rin ako umaalis sa pagkakatayo ko. Tinitignan na nga ako ng ibang estudyante. Ang iba naman ay walang pakialam at dinaraanan lang ako. Minsan pa nga akong nabunggo at muntikan ng matumba. Gusto ko ng pumasok sa loob subalit hindi ko kaya. Humakbang ako ngunit imbes na lumakad ako paharap ay tumalikod ako at nagsimulang tahakin ang daan pauwi.

Habol ko ang aking hiningang umupo sa aming upuan. Inilapag ang gamit sa mesa saka pumikit. Hindi ko kaya. Hindi ko na naman nagawa. Ilang beses ko pa bang dapat sanayin ang aking sarili para lamang magawa ko iyon. Naramdaman ko na lang ang mga luhang naglalagos sa aking pisngi. Hindi ko iyon pinunasan bagkus ay hinayaan ko lang na tumulo. Hihintayin na maubos at kusang matuyo. Ganito na lang ba palagi? Paulit-ulit na lang ba? Heto na naman ako at tinatanong ang aking sarili. Hindi na ako nagsawa. Hindi na ako nadala.

"Halika na. Let's go home."

"No Angela. Kailangan nilang malaman na hindi nila iyon dapat ginawa."

"Pero kasi-"

"Oo nga naman pare. Pakinggan mo na lang kasi yang syota mo para masaya tayong lahat. Hahahahaha!"

"Ikaw rin baka magsawa sa'yo yan. Di bale miss pwede ka namang sumama sa amin. Hahahahaha!"

Naaalala ko na naman ang mga huling naming pagsasama. Iyon na rin ang huling beses na nakita ko siya. Totoo nga ang sinasabi nilang nasa huli ang pagsisisi. Kung bakit kasi pumayag pa ako. Kung bakit sa araw na iyon ay hindi ko siya nagawang tanggihan. Kung hindi sana ako nagpadala sa mga ngiti at pakiusap niya na palagi ko namang ginagawa, hindi sana... hindi sana nangyari iyon, magkasama pa sana kami ngayon, masaya pa sana kami..... ako.

"Leo, huwag mo ng pansinin. Halika na."

"Tang*na! Bakit mo ako sinuntok?"

"Para yan sa pambabastos sa girlfriend ko. Sa susunod kasi..."

"Leo!"

"Tang*na tol! Huwag kang mayabang dahil wala ka teritoryo mo."

"Kuya tama na po! Leo!"

"Angela huwag kang lumapit."

"Leo tama na. Mga kuya parang awa niyo na po! Awat na po."

"Miss kung ayaw mong masaktan, lumayo ka."

"Hindi! Tama na po, please! Parang awa niyo na, please po!"

"......"

"Tama na po, tigilan niyo na yan please."

"......"

"Please po, tama na!"

Kitang-kita ng dalawang mata ko ang buong pangyayari at sa panahong iyon ay wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak. Ako ang nasasaktan para sa kanya nang pinagtutulungan siyang bugbugin ng mga kalalakihang iyon pero hindi ko man lang nagawang humingi ng tulong dahil natatakot ako na baka sa pagbalik ko ay hindi ko na siya makita. Natatakot ako na kapag nawala ang paningin ko sa kaniya ay lalo siyang mapahamak. Ngunit mas lalo ko iyong pinagsisihan dahil nang mismong araw na iyon ay nawala siya sa akin..... nawala siya nang hindi man lang ako gumawa ng paraan........ nawala siya sa mismong mga kamay ko...... dahil sa akin.... dahil sa akin kaya siya nawala..... dahil sa akin kaya siya namatay.

ONE SHOTWhere stories live. Discover now