Episode 14

30 14 0
                                    

-(Juli)-

"K-Kendra?"

"What's up my ex-friend."

Ex-friend?

"Ano ginagawa mo rito?"

"Ano pa nga ba? e'di nililigtas ka sa mag-asawa."

"Alam mo tungkol rito?"

"Yes. Matagal ko na binabantayan 'yang mag-asawa."

"E'di alam mo hindi nagpakamatay a
Ate ni Gina."

"Oo matagal na—maiba nga tayo p'wede tumahimik muna tayo baka marinig pa tayo ng mag-asawa."

Tumahimik kami ng maramdaman namin ang palapit na yapak sa 'ming puwesto.

"Hon baka nakalayo na 'yon. Baka isumbung tayo."

"Hindi, ako bahala. Kung sino man nakarinig sa atin, hindi na siya aabot sa persinto."

Narinig namin na nakapasok na ang mag-asawa sa office. Nang masiguradong wala na ay hinitak ako ni Kendra sa isang lilim, kung saan wala masyadong tao.

Lumingon pa si Kendra bago niya ako hawakan sa magkabilaang balikat. "Makinig ka Juli. Kung ano 'man narinig mo maging patay malisya ka muna na wala kang narinig. Mahirap na at baka ikaw i-traget ng mag-asawa."

"Pero si Ate Sab. Kailangan niya ng mustisya."

Bumitaw ito at napahilot ito sa sentido. "Oo alam ko pero wala pa tayo ebidensya para mapabagsak ang mag-asawa," giit niya.

Mula sa paghilot niya ay na patigil ito.

Nilingon niya ako habang ang dalawang mata ay lumaki. "Oo nga! bakit hindi ko 'yon na-alala," makabuluhang wika.

"Ano 'yon?"

"USB! nandoon ang mga baho ng Castor. Kailangan natin mahanap 'yon," siwalat nito.

"Ano USB? saka bakit alam mo nandoon ang ebidensya."

Ang kaninang makinang mata ay biglang tumamlay. "Bago kasi nawala si Ate Sab ay binigay sa 'kin ang USB kung saan nilahad niya lahat ang baho ng mga Castor."

"Kung ganon na sayo pa."

"Ayon nga ang problema kasi nawala ko o may kumuha?"

"Tss. Ano ba 'yan kahit kailan talaga napakaburara mo."

"Aba! ikaw pa talaga may lakas loob na ganyanin mo ako. Hindi ko pa nakakalimutan 'yong pinagagawa ninyo ni Toby sa 'kin."

Napairap na lang ako sa hangin. "Naku po naman Kendra naka ilang ulit na akong sabi sayo na wala kaming relasyon no'n. 'Tsaka na gawa lang ni Toby 'yon sayo para lang sirain tayo sa isa't-isa, dahil meron nagbanta sa buhay mo," tuloy-tuloy kong sabi.

Kumunot ang noo nito. "Nagbanta?"

"Yes. Long for short ay gusto kang patayin kung hindi susunod si Toby sa ipapautos. At 'yong video naman na kumalat ay set up lang 'yon. So kahit tarantado 'yang boyfriend mo ay kaligtasan pa rin ang iniisip niya."

Ang kaninang na guguluhang mata ay pumalit ay luha ng marinig ang aking paliwanag.

Ikaw talaga Toby palagi mo na lang pinapaiyak si Kendra.

"T-Toby?"

Mula sa likod ko ay nakatayo pala si Toby habang nakatingin ito kay Kendra na luhaan.

"Totoo ba sinabi ni Juli?"

Siniko ko ito.

"Toby aminin mo na kasi para magkaayos na kayo," paghihimatok ko. Nakakasawa na kasi 'yong away nila. Maghihiwalay pero magbabalikan naman. Pinagloloko lang ata nila ang sarili nila, e.

What's the truth? [Complete]Where stories live. Discover now