Episode 3

41 17 0
                                    

-(Juli)-

Dalawang linggo ang lumipas ng maghiwalay si Kendra at si Toby.

"All this time i-ikaw! bakit ikaw pa!" nangingiyak na sabi ni Kendra sa aking harapan.

Nandito kami sa coffee shop kasama si Toby na nasa aking likuran.

Marahas akong umiling sa kanya. Mali ang pagkakaintindi niya. "Hindi Kendra mali 'yong pag kakaintindi mo hindi ko---"

"Tama na Kendra. Wala kana magagawa kung siya ang pinagpalit ko sayo," maawtoridad pa nitong sabi na ikinabigla ko.

Nagugulugan ako tumingin at mabilis umiling agad kay Kendra na luhaan na. "Ano? hindi! ano pinagsasabi mo Toby—Kendra hindi 'yon totoo maniwala ka," tinangka kung hawakan ang kamay nito pero nilayo lang niya.

"Tinuring kitang kapatid tapos ito ang matatanggap ko sayo? J-Juli kaibigan kita at alam mo naman kung gaano ko kamahal 'yang lalaki na 'yan, pero ano ginagawa mo? inagaw mo!"

Nangingiyak na ako ng makitang puno ng galit ang mata ni Kendra. "Kendra mali pagkakaintindi mo, please makinig ka sa'kin kahit saglit lang," pagmamakaawa ko. Kulang na lang ay lumuhod na ako sa kanyang harapan.

"Para saan pa? para lokohin mo na naman ako, ha Juli? kailan pa? kailan katagal ninyo na ako niloloko?"

"Hind---"

"No'ng 18 birthday mo."

"Ano ba Toby! tama na sa kasinungalingan mo!"

Mapanutsya siyang tumawa bago ako tiningnan ng masama. Isang malakas nasampal ang na tanggap namin ni Toby bago umalis si Kendra ng luhaan.

Marahas kung nilingon si Toby na tahimik lang at walang kibong tumingin sa akin. "B-bakit mo 'yon ginawa Toby? alam mo naman kahit kailan ay hindi ko talaga niloko si Kendra! alam mo 'yan! pero dahil d'yan sa ginawa mo ay nasira ang pagkakaibigan namin! anong klasing tao ka?! napaka selfish mo! sana mangyari sayo 'to balang araw, sana makarma kang gago ka!"

Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya bago umalis sa coffee shop na kanina pa kami pinapanood.

***

"Hala si Juli ba talaga 'to my gosh siya pala 'yong babae ni Toby?" rinig kong sabi ni Isabel.

"Ano ba 'yan magkaibigan pa talaga tinarget ni Toby. Pero itong si Juli naman ay pinatulan naman si Toby na alam naman niya na boylet na ni Kendra 'yon," kotong na sabi ni Brenda.

"Tss ibang klase talaga ang kamandag ng mga ahas ngayon 'no?" pagpaparinig ni Isabel.

"Ay tumpak ka riyan!"

Naramdaman ko ang pagkahawak ni Gina sa aking braso ng balak ko sumugod. "Juli 'wag muna patulan," seryosong sabi ni Gina.

"Dahil ako sasabunot d'yan!" kung hindi lang napigilan ni Ivan si Gina ay baka nasa bunutan na niya si Brenda.

Lumaki pa ang mata nito na parang nagulat. "Ows nandito pala ang mang-aagaw?"

"Hoy ikaw babaitang mukha unggoy, hindi mang-aagaw ang kaibigan ko!" bulyaw ni Gina para mapansin kaming lahat at saktong dumating ang crush kong president council.

Napayuko ako ng magtagpo ang aming mata.

"Ano! baka ikaw nga itong mukhang orangutan sa ating dalawa. T'saka bakit mo pa 'yan pinagtatanggol, ah? diba kaibigan mo rin si Kendra? 'wag mong sabihin fake friend ka rin tulad nitong mang-aagaw?" turo sa 'kin ni Brenda.

"Baka nga siya rin 'yong viral na kumakalat ngayon, e?" sabi ni Isabel na sumugod agad si Gina sa kanilang dalawa.

"Wala kayong karapatan para husgahan ang kaibigan ko, dahil wala kayong alam!"

Pakagak na tumawa si Brenda. "Ano walang alam?! e, lahat kaya dito sa Campus na 'to ay alam na ng lahat ng kababuyan na pinagagawa nila!"

Hindi ko na mapigilan ay hinablot ko na ang buhok ni Brenda sa sobrang inis. Sa mga oras na 'yon ay nagulat kaming lahat ng marinig ang sigaw mula sa likuran namin.

"MAG SITUMIGIL KAYO!"

"Harper," sambit ni Brenda.

Harper?

[M_K]

What's the truth? [Complete]Where stories live. Discover now