Episode 4

38 17 0
                                    

"Mga walang hiya kayo! pakawalan ninyo ako rito!"

"May tape ba?"

"Meron."

"Takpan mo 'yong bibig, ang ingay baka sino pa makarinig  d'yan sa babaeng 'yan."

"Ok. Masakit na rin 'yong tainga ko, dahil rin sa bungangang 'to."

"So ano gagawin natin d'yan?"

"Diko alam pero bawal malaman nitong babaeng 'to ang sikrito ni Mrs. Castor."

"Bobo ano bawal malaman? eh na laman na nga, dahil sa katangahan mo ginagawa—what if patayin na lang natin siya?"

"Isa ka rin boba ano papatayin edi tayo na lintikan n'yan?"

"Eh ano nga gagawin natin?"

"Hindi ko alam! bahala na!"

-(Gina)-

Sa tapat ng Ultramega ay may naka tayong milktea shop na niyaya niya akong pumunta doon at pina-upo bago mag-order.

"Ano ba pag-uusapan natin Harper?"

"Tungkol kay Juli," sambit niya upang mapaupo ako ng maayos.

"Bakit nasali si Juli rito?"

"'Di ba na sayo pa
'yong kahon na binigay sayo ni Juli bago siya mawala?" agad ko naman ikinatango

"Mabuti naman kung ganon."

"Daretsuhin mo nga ako ano ba talaga ang kailangan mo? t'saka ano ba laman ng kahon na 'yon?"

"Mga baho ni Mrs. Castor na p'wede natin idagdag sa kaso ni Juli, dahil sa ebidensya na 'yon ay malaking maitutulong sa atin pati na rin kay Juli para mapanalo ang kaso niya."

Pinagpawisan ako ng malamig ng marinig ang mga 'yon. Ito na ata 'yong sign na ituloy ko ang pag-usad ng kaso ni Juli. "Pero hindi natin mabuksan?"

"Dati 'yon pero ngayon," napasinghap ako ng makita ang isang susi na hawak ni Harper ngayon.

"P-paano mo nakuha 'yan?"

"Easy lang, pumasok lang naman ako sa office ni Mrs. Castor habang wala siya doon. E 'di 'yon nga at nakita ko itong susi sa ilalim ng lamesa niya. Buti na lang hindi magaling magtago si Mrs. Castor," sabay ngiti ng maloko.

Mapang-asar na ngisi ang sumilay sa akin. "Tss. Kaya patay na patay sayo 'yong kaibigan ko, may ibubuga ka rin pala," puri ko na bigla naman namula ang dalawang tainga nito.

Na-iiling na sumipsip ako ng milktea na kakadating lamang.

***

"Gina please tulungan mo ako."

"Sino ka?"

"Gina please tulungan mo ako."

"Sino ka ba at bakit mo ako kilala?!"

Mula sa pagtatago ng puno ay nakita ko si Juli na duguan.

"J-Juli?"

"Gina please tulungan mo ako."

"Sino may gawa niyan sayo? Juli sabihin mo sino may gawa niyan sayo!?"

"Si---"

"Anak. Gina gising."

"Ma?"

"Binabangungot ka na naman. Napananginipan mo siya?" nag-aalalang tanong ni Mama.

Tanging tango lang ang aking ginawa bago na pahagolgul.

Juli sorry kung hindi kita pinapansin ng mga oras na 'yon. Kung pinagbigyan sana kita e-e 'di sana buhay ka pa rin hanggang ngayon.

[M_K]

What's the truth? [Complete]Where stories live. Discover now